Chapter 11 Phanes' POV "Simulan natin sa pigging ampon ni Athena at alam niya 'yun." Nagulat ako sa sinabi ni Nyx. Ampon si Athena? Bakit hindi halata? Ang mas nakakagulat pa ay alam ni Athena na ampon siya. Hindi ba dapat ay nalulungkot siya dahil ampon lang siya pero hindi bakas sa mukha niya ang pagka-lungkot. "Six years old ng mamatay ang parents niya sa isang aksidente. Same hospital kung saan namatay ang parents ni Athena at ang anak na babae ng mga parents ni Athena ngayon. Narinig nila na magiging ulila si Athena kaya naman napagdesisyunan nila na ampunin nalang si Athena to replace their own daughter." So Athena's like the substitute? Masakit siguro na isipin na isa ka lang substitute buong buhay mo. "Thankful naman si Athena kasi kinupkop siya ng mga parents niya ngayon. Al

