HADES' POV Mukang matindi tong ngayon ah - ash Hindi ko siya inimik At oo, Tama siya, mukang matinding labanan ang magaganap ngayon, dapat kaming maging handa, hindi namin alam kung kalian ang mismong araw na magaganap ang ikatlong Gang War.. What should we do now hades? - Vlad Let's just be prepared, don't underestimate them lalo na't 80% na ng mga S.C.G ay nakuha na nila - ako Mabilis sila, mukang pinaghandaan talaga nila ng mabuti to - Belladonna Kapag nakuha nila lahat ng nasa S.C.G, I'm sure malaking problema yon - Samara Marami ang possibleng umalis sa member ng Underground Town kapag nalaman nilang bumagsak na ang S.C.G, iisipin nila na hindi natin kayang protektahan ang nasasakupan natin - Belladonna Hindi ko alam, Natatakot ako... Nararamdaman kong.. Maraming mamatay.

