“ONE MORE beer, please,” order ni Ico sa waiter na sinenyasan. Flint was still doing a solo on stage. Malakas talaga ang hatak nito sa crowd. At hindi rin maikakaila na nag-uumapaw ang talento nito sa larangang iyon. Pero hindi siya naroroon para i-appreciate ang performance ni Flint. Tumiim ang titig niya kay Flint. Mukhang hindi sila naglalayo ng edad but Flint looked like a happy-go-lucky guy. Siguro ang katangian nitong iyon ang dahilan kung bakit sumama si Missy dito. Nakadama siya ng pamilyar na paglalatang sa dibdib. Hindi niya gustong gamitin ang terminong iyon pero ano ba ang dapat? Siya lang ba ang dapat sisihin kung bakit siya nagduda? Hindi niya makakalimutan nang una niyang makita si Missy na nasa bisig ng mismong tiyo niya... PIGIL na pigil ni Ico na pagbabayuhin

