JADE Agad kong dinial ang numero ni Louie. Agad naman niyang sinagot ang tawag. Nag-init ang sulok ng mata ko. Kinagat ko ang labi ko nang impit. Napaiyak ako. “Hello, who’s this?” tanong niya. Napasinghot ako. “Sino ito?” tanong niyang muli. “S-Si Jade ito. Kailangan ko ng tulong. Ialis niyo ako dito, pakiusap. Ayoko dito dahil nanganganib ang buhay ko at ang magiging anak ko,” sabi ko habang naiiyak. “Anong nangyari? Nasaan si Lucifer?” tanong niyang muli. “Wala siyang alam. Narinig ko mula sa bibig ng Nanay niyang papatayin niya ako kapag nailuwal ko na ang anak ko,” sabi ko sa nanginginig na boses. Pati ang kamay kong hawak ang cellphone ay nanginginig din. “Sasabihin ko ito kay Nathan. Sinasabi ko na nga ba na hindi ako nagtitiwala sa nanay ni Lucifer. May agenda ang babaeng

