LUCIFER “Take a rest,” sabi ko kay Jade. Nakauwi na kami sa bahay. Magaan sa pakiramdam na ayos na kami ng aking ama. Napirmahan na niya ang annulment paper. Aayusin ko muna ang problema sa pamilya namin bago ko pakasalanan si Jade. Gusto kong matutukan ang araw na iyon. Gusto kong ibigay sa kanya ang masayang at magandang buhay. Hinagkan ko ang kanyang noo. “Hindi ka pa ba matutulog?” tanong niya. Umiling ako. “May kakausapin pa akong tao. It’s important. After that, matutulog na rin ako. Gusto mo bang tabi tayong matulog?” Tanong ko at napangiti nang may kalokohan. Mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko. “Pwede naman,” aniya at nagyuko ng ulo na tila nahiya sa sinabi niya. Natawa ako nang mahina. “I’m just joking. I’ll be sleeping in the other room,” sabi ko. Ayokong isipin ni

