LUCIFER Habang nasa byahe pabalik ng tinitirhan namin ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Sinundo ako ng tauhan ng boss namin matapos ang dalawang oras na pananatili ko sa kliyente. Gusto kong masuka sa tuwing naalala ang ginawa ng babaeng iyon sa akin. Binaboy niya ang katawan ko. Gusto kong tumanggi ngunit tinakot niya akong sasabihin sa boss namin ang gagawin ko. Wala akong nagawa kung hindi pagbigyan ang gusto ng babae. Nag-init ang sulok ng mata ko. Ramdam ko ang p*******t ng buo kong katawan dahil sa paghagupit niya sa akin. Hindi ko alam kung tao pa ba ang babaeng iyon o demonyo. Isang manyak ang babaeng iyon. “Kumusta naman ang pananatili mo roon?” Biglang tanong ng lalaki na kasama ko. Napalingon ako sa kanya. “A-Ayos naman po,” sagot ko. Ayokong sabih

