LUCIFER Sinundan ko ang sasakyan nila Jade upang i-track kung saan sila pupunta. Bigla akong kinutuban na baka ilayo niya si Jade. Nakahinga ako nang maluwag nang huminto sa opisina ng aking ama. Huminto ang sasakyan ko sa malayo upang hindi makahalatang sinundan namin sila. Bababa na sana ako nang pigilan ako ng aking bodyguard. “Master Lucifer, delikado po kung pupuntahan mo si Master Victor. Maraming nakapaligid na mga tauhan niya sa paligid.” Pigil sa akin ng driver at bodyguard ko. Kumunot ang noo ko. Sino siya para utusan niya akong huwag tumuloy. Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan nang mag-automatic lock ang sasakyan. Mas lalong sumama ang mukha ko. “Palabasin mo ako! Inuutusan kita!” sigaw ko sa driver, ngunit hindi siya tuminag. Napatingin lang sa akin ang driver

