Tamara's POV Ilang araw na ang lumipas simula bumisita si Saffira sa bahay at hanggang ngayon ay wala pa din akong ideya kung ano ang nangyari. Did she really confessed? Sila na ba? "Tamara." napaangat ako ng tingin and I saw Ethan. "Can I talk to you?" seryoso ang mga mata ni Ethan kaya agad akong sumunod sa kanya. Pumunta kami sa cafeteria sa labas ng company ni Gray at nag-order din siya ng maiinom. "Tungkol saan Ethan?" takang tanong ko sa kanya. Mabigat siyang bumuntong hininga bago ako tinignan. "Saffira told me she confessed to Gray." hindi na ako nagulat doon. Mas iniisip ko ngayon kung ano ang naging reaction ni Gray, kung sila na ba. "So?" Saad ko sa boses na walang pakialam pero ganun paman ay hindi ko maiwasang magtaka at isipin kung ano ang nangyari matapos magconfess

