"Sa-Saang hospital, Storm?" Tila para akong nanghina sa nalaman ko. "Sa Guadalupe St. Hospital," he informed me. "Okay," sagot ko. Bababahan ko na siya nang tawag nang muli siyang magsalita. "Dahan-dahan ka sa pagpatatakbo mo ng kotse dahil mabilis ka pa namang magdrive," paalala niya sa akin. "Kung hindi ko bibilisan, aabutin ako ng dekada, bago makarating sa hospital na 'yan," gagad ko. "Okay lang na dekada, basta't makarating ka," mahinang aniya sa kabilang linya. Narinig ko pa ang pagngiwi niya, dahilan upang babahan ko na ito nang tawag. Binaybay ko na ang daan patungo sa hospital ng Guadalupe. Pakiramdam ko ay ang sama-sama kong tao, pero ito naman ang gusto ko, hindi ba? Kaya, hindi dapat ako makaramdam ng guilt. Tinadtad ko ng bala ang sasakyan ni Storm kanina, kay

