Tahimik si Marco habang nasa byahe kami pabalik ng Manila. Madilim ang kanyang mukha kita ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa manibela. May iilang ugat siya sa kanyang braso na lumilitaw dahil doon. “Marco…” Hindi siya kumibo nang tinawag ko siya. He is looking straight forward. Mukhang malalim ang iniisip nito kaya hindi napansin ang pagtawag ko. Inulit ko iyon at sa pangalawang pagkakataon ay hindi parin siya kumibo. Natahimik ako. Walang nagsalita sa amin sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa building. Sinilip ko ang oras at napansin na alasdies pa lang ng tanghali. May oras pa para makapagluto ako. I invited him over at laking pasasalamat ko nang pumayag ito. Hindi parin siya nagsasalita kahit nasa loob na kami ng unit ko. Nagpaalam ako na maghahanda muna ako n

