“Akala ko ba ikaw ang nagbirthday, bakit parang si Marco naman ang binigyan mo ng regalo!” Kinikilig na sabi ni Lauren. Sinita ko ito dahil ang ingay-ingay niya. Nasa loob kami ng library ngayon at kapag itinuloy niya iyon ay mapapalabas kami dito. Medyo may kaingayang babae talaga itong si Lauren. She has a strong personality but behind that is a soft and fragile heart. Limang taong gulang siya nang malaman nila na may sakit ito sa puso. She can’t feel extreme emotions because it may trigger her heart. Sa kabila noon ay hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa niyang maging sobrang masiyahin kahit sa buong buhay niya ay laging limitado ang kinikilos niya. Ngayon nga ay medyo nagiging maluwag na ang magulang niya. Pwede itong uminom ng alak maliban sa beer. Pwede mga hard drink

