Nakaupo siya sa couch habang ako ay nakaupo sa kama. Panay ang silip ko sa aking phone sa pagbabakasali na baka magkaroon na ako ng signal at makapagtext na kay Ate Maricar ngunit hanggang ngayon ay sobrang lakas parin ng ulan. Hindi iyon tumila mula kaninang umaga. Malapit ng mag-alasais ng gabi at hindi parin maganda ang sitwasyon namin dito. Huling silip ko sa baba ay halos nasa tuhod na ang tubig sa kalsada. Mabuti nalang at medyo mataas ang building na ito. Maging ang parking area ay hindi kaagad maaabot ng tubig. “Bukas tayo makakabyahe dito, is it okay with you?” Huminga ako ng malalim saka tumango. Wala naman akong magagawa. We can’t risk travelling with this kind of weather. Hindi namin pwedeng suungin ang baha kundi stranded kami sa daan. Mas okay ng dito mastranded sa hotel

