I looked down on my watch as I wait for my grandmother. Halos isang buwan siyang namalagi sa isa sa mga lumang building na nagawa niya noon. She said she just want to experience the comfort of the buildings we made kaya naman halos hindi namin siya nakakasama gaano sa mansyon. I rolled down my window when I saw Lola Graciella walking out of the room beside hers. Kasama niya ang isang bata na sinasabi niyang mag-isang namumuhay sa katabing unit niya. Naningkit ang mata ko habang masuyong pinagmamasdan ang pigura ng babae. Ang mahaba nitong buhok ay nakatali habang nagpapaalam sa Lola ko bago muling bumalik sa kanyang silid. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa halos makapasok na ito sa loob. Bago pa niya tuluyang maisara ang pinto ng unit niya ay huminto siya para sumilip s

