Mantika Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Pinalilibutan at pinapanood kami ng mga tao na parang isa kaming palabas na sinusubaybayan nila. Agad akong bumitaw kay Damiel. "Uh, uuwi na ako." nakayuko at hindi ko mapakaling sabi. "Let's go home then, sweetie." malambing niyang sabi. Umiling ako at hinarap siya. "Wag na Damiel. Sabay kami ni Atarah nagpunta dito kaya dapat sabay din kami umuwi. Magkita na lang tayo sa mansion." pakiramdam ko ay namumula na ang aking mukha dahil sa huling sinabi ko. Tumango lamang siya at tipid na ngumiti. Bago niya bitawan ang baywang ko ay hinalikan niya ako sa aking noo. Pansin ko ay mahilig niya itong ginagawa sa akin. Nag init lalo ako sa pagiisip kong iyon. Tinalikuran kona siya at nilapitan si Atarah sa may couch na nakatingin

