Euphoria "That was- That was awesome!" puri ni James sakin after ng aming performance. Standing ovation ang ginawa ng mga nanonood na labis kong ikinasaya at kinagulat. "Thanks! Binobola mo nanaman ako eh!" "No! Ang galing mo talaga!" Nagsilapitan ang mga kabatch namin. Si Akira at Atarah ay lumapit nadin. Umapir sakin si Akira habang si Atarah ay umiiyak ng niyakap ako. She is so drunk! "Ang galing mo talaga bestfriend!" Umiiling ako habang tinitignan ko siya. Si Camille,Maximus at Tiara naman na kapwa student council ko ay lumapit din. Pareparehas sila ng sinasabi, kesyo hindi daw nila inaasahan na mahusay akong kumanta. Ilang taon nadin kaming magkakasama pero ngayon lang nila nadinig ang boses ko. "Salamat! Ayaw ko talaga sana dahil nahihiya ako magperform sa m

