Sweetie "Clea naman kasi! Ano ngang gusto mo para sa birthday mo? Malapit na yun oh! 16 kana! Sweet 16! Dapat special yun!" Kanina pa ako kinukulit ni Atarah. Masugid niya akong kinukumbinsi na magpaparty pero panay ang tanggi ko. Gustuhin ko man siyang pagbigyan pero wala akong budget para dun. Kailangan kong isaisip na ang kikitain namin ay para sa pag aaral ko at pagpapagamot ng aking ama. "Atarah wag na. It's not necessary for me to have a party just because it's my birthday! I'm good without it. Pwede naman tayong maligo sa dagat o di kaya ay magsimba sa paoay mas malapit at di magastos" I smiled at her but still nakabusangot siya. Kanina pa siya dito sa head quarters namin ng mga co student council ko. Kung tutuusin ay hindi siya pwede dito pero dahil sanay na sila sa kakuli

