Propose Pagkalabas ng locker ay agad kong hinanap kung nasaan na si Julian. Pinagtanong ko siya at sinabing nakalabas na daw ito kaya naman sumunod na ako at naabutan siyang nakahilig sa kaniyang sasakyan. May band aid ang gilid ng bibig at ang braso nito. "Let's go home now Julian." aya ko sakaniya. Tumango ito at tahimik na pumasok sakaniyang kotse. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman. Kung kanino ako maaawa,Damiel ba o kay Julian. This situation is really confusing! Hanggang makarating kami sa condo ay walang umiimik sa aming dalawa. Sumunod ako hanggang sa unit ni Julian. Bakas sa mukha niya ang pagtataka kung bakit sumunod ako hanggang loob. Umupo na siya sa sofa habang ako ay dumiretso sa CR upang kunin ang medicine kit. Ramdam ko ang titig niya sakin sa

