Runaway Nang sumikat na ang araw ay nagising na ako. Binalingan ko si Daniel sa aking tabi na mahimbing ang tulog. Nakakita ako ng yateng papalapit sa isla kaya dali dali akong umupo at ginising si Damiel. "Damiel! May mga tao! Tumayo ka! Baka hindi nila tayo makita!" sabi ko habang inaalog siya. Agad naman itong gumising at tumayo. "Lumapit ka! Para makita nilang may tao dito!" utos ko sakaniya. "No need for that." seryoso niyang sabi. "Ha? Bakit?" taka kong tanong kaya napatingin akong muli sa yateng paparating at dun pa lamang nasagot ang aking tanong. Sakay ng yate ay mga coast guard kasama si Arianne at Julian. Hindi ko alam kung bakit hindi ako masaya ng makita sila. Pagkalapag ng yate ay agad nanguna sa paglapit sa amin sina Arianne at Julian kasunod

