As she falls Gaya ng pinangako ko ay maaga akong gumising para kitain si Damiel. I am so nervous. Hindi ko alam paano sasabihin sakaniya na hindi ko na sya mahal. Pagdating ko sa mansyon ay abot abot ang tahip ng aking puso. Parang pakiramdam ko ay sasabog na ito any minute from now. Bumuntong hinga ako ng malalim at pumasok na. Bago ako pumunta dito ay nagtext ako kay James para sabihin ang plano ko. Noong una ay hindi siya makapaniwala, pero nung sinabi ko ang tungkol kay Arianne ay nakumbinse din ito. Pagpasok ko ay nakita ko ang presensiya ni Don Francis. Seryoso lamang ang mukha nito. Hindi mawari kung ano ba ang nasa isip. Nilapitan ko siya. "Don.. Don Francis.. Magandang umaga po." Nagbabasa lamang ito ng dyaryo at tila hindi pansin ang presensiya ko. "Maaari ko

