KABANATA 55 TINA Ilang araw na lang Pasko na at hindi pa rin nagigising si Blake. Bakasyon na rin namin at uuwi na ako sa probinsya para makasama ang mga magulang ko. Wala pa silang kaalam-alam sa mga nangyari sa akin dito sa Manila kasama si Blake. Mag-isa ako sa loob ng apartment namin. Sinarado ko ang makapal na kurtina para dumilim sa loob at pinatay ko rin ang mga ilaw maliban sa nakabukas na Christmas lights. Habang nakatitig ako sa maliit naming Christmas tree naiyak ako. Unang Pasko sana namin ‘to pero hindi namin magagawa na magkasama. Ayoko siyang iwan, pero paano ang mga magulang ko? Ine-expect nilang uuwi ako. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Humiga na lang ako sa kama at niyakap ang unan ni Blake. Iyak ako nang iyak nang mag-ring ang phone ko. Nang tingnan ko kung sin

