KABANATA 35 TINA “Tina! Ready ka na? Naka-ayos na ba lahat ng gamit mo?” Si Mia, kausap ko sa phone. Masyadong excited. Paalis kasi kami ngayon papuntang Zambales, sa beach house nina Blake. Birthday kasi ni Kurt sa Linggo, doon daw ice-celebrate. Pero ngayong Friday na kami aalis, para syempre ma-enjoy naman namin ‘yung bakasyon. “Nakaayos na. Nasaan na ba kayo? 8:30 na. Nandito na rin si Andre.” Okay na sila ni Blake. Nag-sorry na sa isa’t isa, pero ‘di sila friends. Kasalukuyan ko nga silang kasama ngayon, at hindi sila nagpapansinan. Okay na rin, kesa naman nagbubugbugan sila. “Nandito na kami sa labas. Labas na kayo.” Ang lapit na pala, tumawag pa. Excited talaga. “Okay, lalabas na kami.” Bibitbitin na sana ni Andre ‘yung mga gamit ko, pero inunahan siya ni Blake. Nagpasalam

