Chapter 1

1008 Words
Chapter 1 NAGISING si Kesha sa tunog ng kanyang cellphone. Pupungas-pungas ang kanyang mga mata nang tignan ang tila kanina pa nag-i-ingay na aparato. Maingat siyang bumangon sa kama. Hindi na niya nadampot pa ang mga hinubad na kasuotan nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. Kinuha na lang niya ang roba na nakasabit sa malapit sa likurang bahagi ng pinto at iyon nalang ang isinuot upang ikubli ang hubad na katawan. Marahan siyang napamura nang muntikan na siyang madulas dahil sa pagkataranta. Maingat niyang sinarado ang pinto ng kwarto at maingat ding bumaba ng hagdan. Nang nasa sala na siya ay tsak niya lang sinagot ang tawag. "H-hello," bungad niya. Tinatambol ang puso niya ng mga sandaling iyon. "Kesh! Sorry to call you up this time." Napatingin siya sa orasang nakasabit sa dingding. Kaya pala ganoon na lang kanyang antok dahil alas-dos pa lang nang madaling araw. "No worries, Myrth!" sagot niya sa kabilang linya. "Anong atin?" tanong niya ngunit may ideya na siya kung ano ang pakay nito sa kanya. Umupo siya sa pang-isahang upuan. "I'm just wondering if you have talked to Andrew or seen him? I called him many times na pero hindi siya sumasagot." Ramdam niyang tinakasan siya ng dugo sa mukha dahil sa tanong nito. Napatingin siya sa itaas na bahagi ng bahay. Bahagya siyang napakagat-labi. "H-hindi, eh. Baka busy sa work, you know naman future CEO yang jowa mo. Minsan nga hindi na nga raw yan natutulog sabi ni Tita Gianna, eh" Rinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Kung pwedi nga lang kainin na siya ng lupa ng mga oras na ito. "Okay, I just missed him so badly. Naiisip ko tuloy na hindi talaga magandang desisyon ang pagpunta at pagtanggap ng contract dito sa Italy." Kinakain na naman siya ng kanyang konsesya. Myrthle Delgado is her bestfriend. They were college besties. Education ang course niya noon at ito naman Fine Arts, nagkakilala sila sa organization. They suddenly clicked at doon na nag-umpisa ang closeness nilang dalawa. 4th year college sila nang ibalita ni Myrthle na may nanliligaw na ito. She wasn't surprised at the time. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto rito? She has this angelic, heart-shape face. Yung mga mata nito na tila nangungusap, matangos na ilong at mapula at sobrang nipis na labi. Tinagurian nga itong the living barbie doll. Dahil pati katawan ay panalo ito. Idagdag pang sobrang talion nito. Lingunin talaga si Myrthle at suki ng mga pageants noong college sila. Iyon nga lang, dahil nakaka-intimida ang personalidad nito kaya ni isa ay walang naglakas na loob na magpahayag ng damdamin para rito. Halos madurog ang puso niya nang ipakilala ng kanyang kaibigan ang manliligaw nito. Si Andrew Sebastian. The man she used to love from afar. Hindi niya nga alam kung nakangiwi pa ba ang mukha niya nang i-introduced pa nga ni Myrthle si Andrew. "You know what! I had a crush on him na talaga. Kaya naman nang lapitan niya ako at tanungin if pwedi ba kaming lumabas. Pumayag na ako! Sayang iyong opportunity. Good thing na kilala mo siya at malapit ka sa kakambal niya. Dapat kasi di mo na b-in-usted si Axel, just in case na magkatuluyan kayo at magkatuluyan kami. Magiging totoong magkapatid na tayo!" That was the exact words Myrthle said. Hindi niya makakalimutan iyon dahil iyon din ang araw na naging kalbaryo niya lalo na't laging nakabuntot sa kanila si Andrew saan man sila magpuntang dalawa ng kanyang kaibigan. Naging usapan din noon ang pag-busted niya kay Axel. They knew they were really close to each other. Lahat nga sinasabing bagay sila ni Axel. But things changed, so as the feelings. Dahil simula ng araw na makita at iligtas niya si Andrew, wala na siyang ibang nakikitang lalaking para sa kanya kung hindi ito. Pero sadyang malupit nga ang tadhana sa kanya. Andrew pursued her bestfriend. Kita niya ang effort nito para sa kaibigan. And he patiently waited for more than f*****g two years for her answer. "Kesh, are you still there?" Nabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang boses ng nasa kabilang linya. "Yep, sorry, Myrth, it's just that, sobrang antok ko pa kasi," pagsisinungaling niya. Dahil ng mga oras na iyon ay buhay na buhay ang dugo at pagkatao niya. Bumuntong-hininga siya. "Isa pa, 'wag mong sinasabi na nagkamali ka ng desisyon. Look, one time opportunity na 'yang nakuha mo. Tsaka less that 3 years na lang makakabalik ka na rito. Dumadaan talaga sa ganyan ang mga mag-jowa 'pag LDR. But I assured you. Ikaw at ikaw lang ang mahal ni Andrew. Hindi naman iyon manliligaw sa'yo nang ganoon katagal kung hindi ka mahal 'di ba?" Pumait bigla ang kanyang panlasa sa mga huling salitang kanyang binitawan. "You are right, paranoid na naman ang lola mo. Sige na, sorry sa abala. Bye, bestie! Labyu!" Hindi na niya nakuhang sumagot at pinatay na nito ang tawag. Nakaramdam siya bigla nang pagkakapos ng hininga. Tsaka niya lang na-realized na kanina pa pala niya pinipigilan ang kanyang paghinga habang kausap ang kanyang kaibigan. Tumayo siya at dumiretso sa kusina upang kumuha ng tubig. Mabilis niyang inisang lagok ang tubig. Hinugasan niya ang basong ginamit at nilagay iyon kung saan niya ito kinuha. Umakyat na siya at pumasok sa kwarto. Nilapag niya sa side table ang kanyang cellphone at umupo sa kama. Minasdan niya ang lalaking mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Napangiti siya, kung titignan ay napaka-amo ng mukha nito pero oras na magising ito ay tila tigre itong kayang lumapa sa kanya lalo na sa tuwing nagtatalik sila. Pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang mukha nito. Bigla ay dumaloy ang kalungkutan sa kanyang sistema. Alam niya sa sariling hindi ito kailanman magiging kanya. Alam niyang hanggang dito lang ang papel niya sa lalaking ito. "Mahal na mahal kita, Andrew. Sana akin ka nalang." Ilang saglit pa niya munang minasdan ito bago inalis ang roba at humiga sa tabi nito. Natigilan pa siya nang kabigin siya nito at ikulong sa mga malalaking braso nito. It felt so real.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD