BOOK 2
IKAW
Part 3
(Mahal pa rin kita)
Mamaaaaaa.....Papaaaa...
Napailing nalang si Marc at Michelle ng marinig ang boses ng kanilang anak habang tinatawag sila nito.
Marc: bhe, bilisan mo na! halika na! kasi oh sumisigaw na sa baba
Mich: ikaw kasi binihisan mo na agad alam mo naman yon pag nakabihis na sya kailangan aalis agad .
Marc: kasi sabi nya magbibihis na sya.
Mich: di pa ako tapos eh bumaba ka na muna bhe kasi oh sumisigaw na sya.
Marc: ok sige mauna na ako ha.
Mich: mabilis lang ako sabihin mo nagpopo ako ha ?
Marc: haha sige na bilisan mo na dyan.
Dali daling lumabas si marc ng kanilang kwarto at bumaba sa sala kung saan nandoon ang anak na kanina pang naghihintay sa kanila.
Marc: oh bakit? Ano nangyari?
Kisses: lets go na pa ! Where's mama? ?
Marc: nandoon pa si mama sa taas . Sige na halika na .
Binuhat nya ang anak at dinala na sa sasakyan.
Kisses: yehheee! pupunta kami ta kaniya yoyo at yoya hehe.
Marc: talaga pupunta ba tayo doon? Weeh parang di naman eh
Kisses: hehe opo pa!
Marc: hindi tayo pupunta doon .
Kisses: no, mama toyd me owyeady hehe .
Marc: really! ?
Kisses: hehe yes pa .
Binuksan ni Marc ang sasakyan at nilagay si kisses sa loob.
Marc: dito ka muna ha paandarin ko lang ang car.
Kisses: opo.
Tumayo sya sa likod at hinawakan ang ama sa balikat
Kisses: mmwah? ayab you papa hehe
Marc: ay! ang sweet naman ng baby ko ?? ilove you so much .
Kisses: hehehe. Mmwah.
Marc: wait lang natin sila mama at yaya dito ha.
Kisses: opo pa hehe.
Marc: very good ang baby ko ah ?
Maya maya nakita ni kisses si Marites at Michelle lumabas ng bahay
Kisses: Pa nandyan na tila mama at yaya.
Marc: nandyan na pala sila.
Mich: hi sweety ?
Kisses: ang tagay mo ma hehe.
Marc: hahaha ang tagal kasi ni mama .
Lumabas si marc ng sasakyan at nilock ang pintuan ng bahay.
Mich: sumakay ka na ya.
Kisses: yaya tet hayika na po.
Marites: ok sige.
Marc: wala na bang nakalimutan?
Marites: wala na nailagay ko na dito lahat.
Marc: ok sige. Bhe, ilabas mo muna ang sasakyan para maisarado ko ang gate.
Mich: sige! Sandali
Pinaandar ni Mich ang sasakyan at dinala sa labas.
Kisses: Maaaa ti papa naiwannn ?
Marites: haha naiwan daw ang papa nya .
Mich: iwan nalang natin ang papa mo.?
Kisses: nooo!! Papaaaa!! Hayika na. Maaa stopppp the cayyy....
Mich: haha joke lang ilabas ko lang kasi isarado ni papa ang gate.
Kisses: hindi mo ti papa iwan ma?
Mich: hindi ? lilipat na nga ako oh kasi si papa magdrive.
Kisses: hehehe opo.
Pagkatapos ni Marc ilock ang gate agad syang sumakay ng sasakyan
Marc:ok na ba ang lahat ?
Kisses: opo pa hehe
Marc: umupo ka ng maayos aalis na tayo.
Kisses: opo pa
Umupo din sya at kinabit ni Marites ang kanyang seatbelt .
Mich: are you ready!?
Kisses: yeeeesss! Papa go na po tayo hehe.
Mich: sure na ba ya wala ng nakalimutan? Haha
Marites: wala na nandito na lahat sa sasakyan.
Marc: baka ikaw bhe may nakalimutan ka pa?.
Mich: wala na ! kaya tara na.
Marc: ok alis na tayo.
Kisses: ayit na tayo
Habang nasa sasakyan walang tigil sa kadadaldal si kisses.
Kisses: yeheeyy! Pupunta kami ta kaniya yoyo hehe.
Mich: pagdating natin doon anong gagawin mo?
Kisses: ahmm! Mag bliss kay yoyoo at yoya saka ano pa..ahmm!
Marc: ano pa?
Marites: nakalimutan na nya hehe
Kisses: hehe i foygot yaya tet . mag mwaaah pa paya ako kay yoyo hehe.
Marc: mwaah talaga??
Mich: youre so funny talaga ?!
Kisses: hehe i yab you mama ?
Marc: oh wag kang tumayo dyan ha mauntog ka nanaman mamaya .
Kisses: hindi aman pa, nag fying kit yang ako kay mama hehe.
Marc: si mama lang ba ako wala?
Kisses: i kit you oyeady papa eh .
Mich: haha may kiss ka na pala eh
Kisses: nakayimutan mo pa?
Marc: opo haha.
Mich: nakalimutan ni papa haha
Kisses: hehehe opo ma nakayimutan nya.
Marites: gusto mo bang magdrink ng milk mo?
Marc: hala lagot na?.
Kisses: no ,yaya i dont want to drink miyk.
Marites: bakit? Di ka pa nakainom eh.
Mich: oh! Bakit di ka uminom ng milk mo ha? Di ba sabi ko sayo kanina inumin mo yon bago tayo umalis.
Kisses: kati,ma ano po eh. Ok yaya give me my miyk. ?
Marc: di ka pala goodgirl ngayon kasi di ka nagdrink ng milk mo?
Kisses: no papa, kati i foygot to dyink.
Marites: kasi kanina tumawag si sophia kaya nakalimutan na nyang inumin ang gatas
Marc: baka malamig na yan ate?
Marites: hindi naman kasi nilagay ko to sa lalagyan ng mainit na tubig .
Marc: ah ok. Say thank you to yaya tes.
Kisses: enk you yaya tet ?? .
Marites: youre welcome . ?
Mich: sige na drink mo na yan.
Kisses: opo
Mich: ah bhe, pagdating natin doon dumaan muna tayo sa supermarket may bibilhin lang ako.
Marc: ok sige.
Kisses: mama i want aycyeam hehe.
Mich: again??
Kisses: opo! Naguyat ka ma? ?
Marc: hahaha ? nagulat si mama.
Marites: haha sweety talaga.??
Mich: kasi ice cream na naman?
Kisses: opo kati yummy yon ma hehe
Napangiti nalang si marc sa kanya
Mich: ok drink mo muna ang milk mo para bilhan kita mamaya.
Kisses: opo! yehheey!!
Kaya inubos nya agad ang nasa lalagyan ng gatas .
Kisses: ubot na mama hehe.
Mich: patingin !wow very good!
Marc: akala mo ha. ?
Marites: naubos nga nya oh ?
Kisses: hehehe. yummy! ?
Mich: ok! ok ! sige bibili tayo mamaya ng ice cream.
Napailing nalang silang dalawa sa anak na sobrang hilig sa ice cream lalo na sa mga pagkaing malalamig.
Marc: may pinagmanahan talaga haha??
Mich: haha weeh.
Kisses: mana ako tayo ma? Hehe
Mich: kaya magkamukha tayo ganun?
Kisses: no! ti papa payeho kami mukha hehe.
Marc: arayy ko ! Hahaha
Marites: haha
Mich: ganun??
Marc: hala umiyak si mama.
Kisses: ha?? maaa iyak ikaw?
Mich: hehe bakit?
Lumingon si mich sa kanya na nakangiti
Kisses: hindi aman pa iyak ti mama eh .
Marc: hindi ba? ? akala ko kasi umiyak sya.
Kisses: hindi aman pa. Ngiti nga ti mama oh.
Mich: ok lang kung hindi kami magkamukha ni sweety basta love nya ako hehe .
Kisses: yab na kita ma hehe
Marc: haha hay naku.
Habang nasa biyahe sila napansin ni marites na inaantok si kisses kaya tinanggal nya ang seatbelt at pinahiga ito sa kanya.
Marc: natulog na ba?
Mich: inaantok na yata oh .
Marites: nakapikit na nga oh.
Marc: kaya pala tumahimik na.
Mich: may suot ba syang diaper ya?
Marites: wala kasi ayaw nya lady na daw sya eh haha
Marc: naku mamaya iihi yan dyan.?
Mich: teka lang lagyan natin ng sapin.
Kumuha si mich ng towel at sinapin sa kanya para pag umihi di mabasa ang upuan ng sasakyan.
Marites: ayaw na kasi nyang magsuot ng diaper kasi si tito nya mike binibiro sya dati na malaki na daw nagsuot pa ng diaper ?.
Marc: ah kaya pala.
Mich: si kuya talaga! kaya ayaw na talaga magsuot nyan .
Marc: nandoon pala si mike bhe
Mich: oo nandoon daw sa bahay
Marc: akala ko nga umuwi na sya ng manila eh.
Mich: sa sunod na araw pa daw pag dumating si kuya stephen.
Marc: bababa na ba si stephen?
Mich: oo kasi ang sabi ni mama baka magplano na sila magpakasal ni Belle.
Marc: dapat lang kasi ang tagal na nila.
Mich: alam mo naman si kuya mahal ang kanyang trabaho .
Marc: ganun talaga. Ako nga kung di lang nag aalala si mama dati siguro naging pulis na ako hehe.
Mich: haha ganun talaga bhe .ok lang nag body guard ka naman dati eh haha
Marc: oo nga eh ?? hanggang ngayon .
Mich: haha?
Tumatawa lang si marites habang nakikinig sa kanilang dalawa.
Mich: ikaw bhe gusto mo bang tuparin yon kasi handa na ako na mag alala sayo hehe.
Marc: tsk! Sana dati pa bhe ginawa ko na pero syempre iniisip ko din naman kayo aanhin ko naman ang pagiging pulis kong palagi nalang kayo nag alala sa akin. Kaya mabuti ng ganito aasikuhin ko nalang ang negosyo natin nakakasama ko pa kayo palagi ni kisses . Mas mahalaga kayo sa akin kaysa kung ano man .
Mich: ok lang naman sa akin bhe pero mas ok na ang ganito di ba? Palagi tayo sa tabi ni kisses .
Marc: yon nga ang iniisp ko bhe.
Mich: oo nga pala bhe malapit ng manganak si ate mayet di ba?
Marc: oo nga eh,
Mich: sabi nya pagkatapos nyang manganak uuwi daw sila dito.
Marc: ah baka nahihirapan sya doon.
Mich: siguro kasi wala syang kasama doon.
Habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe nagising si kisses at bigla itong sumigaw
Kisses: papaaaa!!!..
Marc: nandito ako sweety....
Mich: nanaginip na naman yan.
Marites: nanaginip nga yata hehe.
Kissess: papaaaaa!
Marc: bakit aycyeam na naman ba??
Mich: hahaha bhe ?
Marites: narinig mo ba ang sinabi ng papa mo??
Kisses: no!! yaya, im hungly.
Marites: gusto mo ng biscuit?
Marc: kakain kaya muna tayo bhe nagugutom na yata oh.
Mich: sige kung may madaanan tayo.
Marc: sweety what do you want to eat?
Kisses: i dont know!
Mich: we eat lunch ok?
Kisses: no , i dont want to eat lunch.
Marc: hala! wala ka nyan ice cream mamaya .
Mich: hindi pwedeng hindi kumain ng lunch ha.
Kisses: opo!?
Marc: jollibee gusto mo sweety?
Mich: bhe, naman eh ?
Marc: bakit ? may kanin naman doon ah.
Mich: ikaw talaga lagi nalang jollibee
Kisses : opo papa hehe yeheey!
Mich: hindi tayo kakain sa jollibee.
Kisses: mama pyes ita yang ma..??
Mich: di ba sinabi ko na sayo wag ka palaging kumain ng ganun.
Kisses: ngayon yang mama ita yang tige na.
Marc: sige na bhe . Ito naman.
Mich: kasi nga bhe palagi nalang sya kumakain ng ganun.
Marc: hindi naman marami kinakain nya eh
Mich: hay sige na nga. Oo na.
Kisses: hehe yeheeey!
Mich: bukas hindi na ha?
Kisses: opo! ?
Nawala na ang antok nya kaya inayos na nya ang kanyang buhok. At napansin nya ang towel na sinapin sa kanya kanina.
Kisses: ano po to yaya? ?
Marites: towel sinapin yan ng mama mo kasi baka umihi ka dyan .
Marc: di ka ba umihi?
Kisses: nooo! hindi na ako umiihi pag natuyog eh . ??
Umiyak siya dahil ayaw nyang sabihan na umiihi pa sya .
Kisses: hindi na ako umiihi yaya tet.?
Marites: hindi na nga nilagay lang dyan kasi baka umihi ka at mabasa ang upuan ng sasakyan ng papa mo . Mapanghi na yan saka maamoy mo hehe . Di ba ayaw mo sa mapanghi.?
Tumawa lang sila marc at michelle sa kanya.
Kisses: opo! ??
Marites: oh ganun naman pala eh sige na tahan na . Di ka naman umihi di ba? .
Kisses: opo
Marc: eh bakit ka umiiyak?? hindi ka naman pala umihi?
Kisses: kati po ano?? ano po!??
Mich: kasi po gusto ko lang umiyak?? haha
Marc: hahaha ?niloloko ka ni mama oh
Kisses: mama aman eh??
Yumakap nalang sya kay marites dahil nahiya din sya sa sinabi ng mama nya
Marc: wag ka ng umiyak tinawanan ka ni mama oh ?
Marites: sige na tama na .di ka na maganda oh kasi napuno na ng luha ang mukha mo ?
Kisses: ipunat ko dito yaya ta damit mo hehe
Pinunas nya ang kanyang luha sa balikat ni marites.
Marc: naku! ang bad oh.
Mich: mamaya mabasa ang damit ni yaya tes ng luha mo..
Kisses: hindi aman po ! hehe di ba yaya ?
Marites: opo ?
Mich: umupo ka ng maayos kasi malapit na tayo.
Kisses: ta joyyibee mama?
Mich: opo malapit na tayo
Umupo din sya agad ng maayos kaya kinabit ni marites ang kanyang seatbelt.
Kisses: mama why do i eat food?
Marc: ayan na naman bhe ??
Mich: ha? hay naku kisses.?
Marc: sagutin mo bhe hahaha.
Kisses: im just atking yang aman po hehe.
Marites: kasi nga di ba nagugutom ka kaya kakakain ka na?.
Kisses: hehe ti mama ayaw tumagot yaya oh ?hehe.
Mich: alam mo na ang sagot di ba ? ikaw talaga .
Kisses: but why nga ma?hehe.
Marc: haha hindi alam ni mama ang sagot
Mich: haha ask your papa nalang .
Kisses: no, ikaw nayang ma .
Pinagtripan na naman ni kisses ang kanyang ina kaya tawa lang ng tawa si marc sa kanilang dalawa
Marc: hahaha sagutin mo na bhe? .
Mich: ok fine! your question is why do you eat food? Right!
Kisses: opo! Hehe
Mich: ok becos food can gives you energy and helps you to grow.
Marc: haha alam pala ni mama
Kisses: yeally? Hehe tapot ano pa ma?
Mich: opo really. Yon lang meron pa ba?
Kisses: opo meyon pa.
Mich: ah ok sige . Kasi para may laman ang tummy ni kisses para hindi sya umiyak ?
Marc: haha
Kisses: hehe paya hindi iyak ang tummy ko ma? Ganun.
Mich: opo. Para busog ang tummy mo
Kisses: hehe ok . wait yang tummy ha bibiyi pa ti mama ng food hehe.
Marc: hahaha ?
Marites: hay naku??nakakatawa ka talaga .
Mich: anong sagot ng tummy mo?
Kisses: tabi nya ma opo kittet wait yang ako dito ng food hehe ganun ma tabi nya ??
Mich: haha ganun ba? ??
Nagtawanan nalang sila .
Marite: hahaha hala. ?
Kisses: opo ma hehe.
Marc: dami mo talagang alam haha?
Kisses: kakain ako ng mayami ma kati paya styong ako .
Mich: tama! dapat marami pero ngayon konti lang kasi kakain tayo sa bahay nila lola masarap doon ang food na luto ni lola
Kisses: hehe opo ma
Mich: ok na ba wala ka ng tanong??
Kisses: hehehe opo waya na po?
Marc: kumain ka ng maraming gulay at saka fish .
Kisses: opo pa hehe !
Mich: haha agree sya agad sayo bhe .
Marc: buti naman haha ?.
Kisses: peyo pa gusto kong kumain ta joyibee.?
Marc: oo nga kakain tayo ngayon sa jollibee ano ba ang kakainin mo sa jollibee?.
Kisses: aycyeam nayang uyit pa hehe( sabay kamot sa ulo)
Mich: haha hay naku yan na naman??
Kisses: haha aycyeam nayang uyit daw???
Marc: haha natawa na rin sya sa sarili nya oh haha
Mich: sphagetti ang gusto ni kittet eh.
Kisses: hehe yummy yon ma di ba?
Marc: masarap pala yon?
Kisses: opo pa.
Maya maya may nadaanan silang jollibee kaya huminto muna si marc at nagpark para makababa sila .
Kisses: yehhey joyibee.
Marc: wait ha.
Kisses: opo. Yaya tet buhatin mo po ako .
Marc: ako na magbuhat sayo.
Kissess:ti yaya na pa kati yabat na kami agad.
Marc: ha? Gutom ka na ba talaga?
Kisses: opo hehe.
Mich: gutom ka dyan!? gusto nya lang yan pumasok akala nya ang mascott nasa loob haha.
Marites: si papa mo na ang magbuhat sayo.
Kisses: tige po hehe
Mich: wait mo si papa ha. Halika na ya.
Bumaba silang dalawa .
Mich: hayaan mo ng silang dalawa .
Marites: sige , sweety sumunod lang kayo ha .
Kisses: opo yaya.
Habang papasok sila sa jollibee humahawak sa braso ni marites si mich...
Marites: naalala mo ba dati ganyan na ganyan ka kay kisses hehe.
Mich: haha yaya talaga.
Marites: kaya lang hindi daw kayo magkamukha haha.
Mich: haha hay naku ya?
Marites : nakakaaliw talaga ang anak mo ?
Mich: hehe oo nga ya . Thank you ya ?
Marites: para saan naman ang thank you na yan?
Mich: para sa pag alaga mo sa amin lalo na kay kisses hehe.
Marites: ikaw talaga.
Mich: ang swerte ko lang kasi naging yaya kita simula ng maliit ako hanggang ngayon sa anak ko hindi mo ako iniwan ? at saka lalo kitang minahal ya kasi nakikita namin ni marc na mahal mo rin si kisses .
Marites: mahal ko kasi kayong mga magulang nya kaya mas lalo ko syang mahal hehe. Ikaw talaga?. Sige na nasa loob na tayo.
Mich: haha oo nga pala. Sige ya ikaw na maghanap ng mauupuan natin ako na ang pipila dito.
Marites: ok sige.
Pumila si Mich samantalang si Marites naghanap ng kanilang mauupuan.
Mayamaya pumasok na rin sila marc at kisses.
Marc: nandoon si yaya tes oh halika.
Kisses: opo hayika pa.
Marites: halika umupo ka dito.
Kisses: opo yaya tabi tayo hehe.
Marc: umupo ka ng maayos ha.
Kisses: opo, taan ti mama?
Marc: ayon pumipila.
Kisses: punta ako kay mama pa.
Marc: ok sige halika.
Kisses: yaya baba ako.
Marites: sige halika.
Kisses: dito kayang yaya tet ha.
Marc: haha talaga naman ?
Marites: ok sige ?
Lumapit sila kay mich na nakapila .
Kisses: mama hehe gutom na ako.
Mich: ok malapit na rin ako. Sana wait ka nalang doon sa upuan
Kisses: ok tige ma hehe. Pa hayika na doon nayang tayo.
Marc: sige punta ka doon kay yaya tulongan ko lang si mama .
Kisses:opo .
Pumunta sya agad kay marites at pinaupo sya sa tabi nito.
Maya maya dumating ang pagkain nila kaya tuwang tuwa si kisses.
Marc: ok na let's eat ?
Kisses: yeheey! Hehe
Marc: ate tes kumain ka na hayaan mo nalang sya marunong na yan magsubo.
Kisses: hehe opo pa mayunong na ako.
Mich: sige na kumain na tayo para makaalis na tayo agad.
Sarap na sarap si kisses sa kinakain nyang spaghetti
Mich: masarap ba?
Kisses: opo ma. Hehe enkyu pa.
Marc: si mama bumili di ba?
Kisses: hehe enkyu din paya ma
Mich: youre welcome?
Mahigit isang oras sila sa loob at pagkatapos nilang kumain dumeretso nalang muna sila sa bahay ng mga magulang nila marc.
Mich: busog ako hehe
Kisses: ako din ma . Yummy .
Marc: hindi na kayo makakain pagdating doon.
Kisses: opo kati mayami na ako nakain pa hehe. Mayaki na ang tummy ko ?
Marites: haha marami ng laman.
Kisses: opo yaya tet hehe.
Marc: kaya hanggang mamaya pa yan ang kadaldalan mo ?
Mich: haha . ?
Kisses: ano po yon pa ?hehe
Marc: wala sabi ko maganda ka. Hehe
Kisses: hehe opo ?
Mich: nakangiti talaga sya ?
Makalipas ang isang oras nakarating na sila sa bahay nila marc kaya sinalubong agad sila ni sophia.
Sophia: hi!! My little sweetheart ??? imiss you so much.
Kisses: heheh tita ganda ?
Sophia: halika buhatin kita mwahh??
Marc: pansinin mo naman kami
Mich: haha bhe.
Kaya hinalikan sya ng hinalikan ni sophia
Sophia: haha kuya i miss yoou ???
Marc: uyyy! ? ano ba?
Sophia: haha . Hi ate mich?hi ate tes?
Mich: hello beh kamusta. ?
Marites: gumaganda ah. ?
Sophia: hehe ito ate mabuti naman . Haha ate tes talaga.
Marc: piang, nandito pa pala si mike.
Sophia: kuya wala sila mama at papa dito nandoon sila sa manggahan ?
Marc: haha hindi ko naman tinanong ah. Mali naman sagot mo ?
Sophia: halika na sweety mwah ?( sabay alis)
Mich: ikaw talaga bhe ? alam mo naman na hindi pa yan sila nagkabati ni kuya tapos niloloko mo pa.
Marc: hayaan mo sya haha. Sige na pumasok na kayo doon . Ate tes iwan mo lang ang mabigat ha ako na ang magdala sa loob.
Marites: ok sige.
Mich: bhe, kami nalang pala ni yaya tes ang aalis.
Marc: bakit?
Mich: kami nalang iiwan ko nalang si kisses kay sophia.
Marc: ok sige kung yan ang gusto mo . Pupunta nalang din ako kay Jake.
Mich: basta wag kang uminom doon ha?
Marc: sabay ganun? oo naman kasi mag momotor lang ako.
Mich: buti naman hehe.
Marc: sige sabihin ko kay sophia na sya muna magbantay kay kisses.
Mich: sige.
Pagkatapos nilang ipasok ang kanilang dala sinabihan ni marc si sophia.
Marc: piang, wala ka naman gagawin di ba?
Sophia: opo kuya bakit?
Marc: ikaw muna magbantay kay kisses ha kasi aalis kami ng ate mo isama nya si ate tes
Sophia: ok sige kuya.
Mich: salamat beh hehe balik din kami agad.
Sophia: sige ate mich. Nandoon nga sya oh sumasayaw haha.
Marc: wala pala sila dito ni ate?
Sophia: wala kuya sumama sila sa kanila mama sa manggahan. Kumain na ba kayo may pagkain dyan .
Mich: tapos na hehe busog na rin naman yan si kisses
Marc: sige na bhe umalis na tayo.
Mich: sige alis na tayo.
Marc: piang ha bantayan mong mabuti si kisses lagot ka talaga sa akin mamaya ?
Mich: haha bhe.
Sophia: opo kuya ? bantayan ko sya ng mabuti.
Marc: mabuti naman ? sige na alis na kami.
Sophia: ok sige .
Mich: alis na kami beh.
Sophia: opo te . Ingat.
Umalis silang tatlong kaya pinuntahan ni sophia si kisses na nasa playroom
Maya maya dumating si mike at nakita sya ni sophia mula sa loob
Sophia: omg! Bakit nandito sya? ?
Pumasok si mike sa gate nila dahil nakabukas lang ito .
Maya maya tumunog ang cp ni sophia.
Sophia: hello kuya.
Marc: piang papunta pala si mike dyan sa bahay buksan mo ha.
Sophia: opo kuya nandoon na nga siya sa labas oh.
Marc: ok sige buksan mo nalang . Sige na bye .
Sophia: bye kuya
Sinabihan ni sophia si kisses na dumating si mike .
Sophia: sweety nandyan si tito mo mike.
Kisses: taan tita?
Sophia: nandoon sya sa labas.
Tumakbo si kisses papunta sa pintuan.
Sophia: wait lang.
Kisses: open the dooy tita ganda.
Sophia: ok wait.
Kisses: biyitan mo tita hehe
Binuksan ni sophia ang pinto at agad sumigaw si kisses.
Kisses: titoooooo mikeee! ?? nandito ka paya?
Mike: hii!!?? opo !akala ko kasi walang tao dito.
Kisses: nandoon kami ta yoob ni tita ganda. Hayika tito.
Mike: ah ganun ba. ?
Tumingin lang si mike kay sophia
Mike: hi.?
Hindi sumagot si sophia sa kanya kaya binuhat nya nalang si kisses.
Nahihiya si sophia kay mike dahil hanggang ngayon hindi pa rin sila masyadong nagpapansinan dalawa.
Ooooooooooooppppppppsssssss??!!!
ITUTULOY....
MARAMING SALAMAT SA SUPORTA ;)