16

2172 Words
BOOK 2 "Ikaw" ( kahit anong mangyari) Part 15 Napatayo nalang si Mike ng pumunta si Sophia sa Gitna Head teacher: oh! Miss ??... Sophia: just call me Sophia Maam? Head Teacher: ok Miss Sophia ? Halika dito. Lumapit si sophia sa kanya . Head Teacher: anong gagawin mo Miss sophia? ? Sophia: Pwede po ba akong mag perform Maam. Kahit sandali lang hehe Head Teacher: ok sige ! Good! ? Sophia: thank you maam. Hehe. Lumapit si sophia sa nag operate ng music at kinausap nya ito. Sumunod si Mike sa kanya kaya tinawanan siya nila Tanya at mga kaibigan nito. Tanya: nagtago nalang gurl ??? Ivy: hayaan nyo na yon. Magpakasaya nalang tayo ? Jenny: halikayo doon tayo sa kanila. Tanya: let's goooo! ? Ilang sandali lang nagsalita ang Head teacher at agad agad nyang inintroduce si sophia Head Teacher: Ladies and Gentlemen let's give a big round of applause for Miss Sophiaaaaa... Napatigil silang lahat ng mag umpisang sumayaw si sophia sa gitna . Ang una nyang ginawa ay nag ballet . . Wowww! Ang galing!! sigaw nila. Nagpalakpakan silang lahat habang pinapanood si sophia at ang iba sumisigaw na.... Ang galing namannnnn!!! Tuwang tuwa si Mike habang pinapanood ang mga kabatch at kaibigan nanamangha kay sophia. Mike: girlfriend ko yannnn!??? Sumigaw din ang ibang kaibigan. Hindi mo girlfriend yan! Akin yan tollll!! ??? Nagtawanan silang lahat. Pagkatapos ni sophia mag ballet . Umiba ang tugtog kaya umiba rin ang kanyang sayaw . Hiyawan silang lahat . Napasigaw nalang si mike sa sobrang tuwa. Mike: girlfriend ko yan!!????? Proud fiance here hahahaha ?? Wow! Ang galing mag swag!!!??? Nagpalakpakan silang lahat pati ang mga guro tuwang tuwa din. Ivy: si mike oh hahaha ? mamaya wifey na yan . Jenny: proud na proud talaga sya ? Mike: hahaha?? Habang nagtatawanan sila si Tanya halos di na maipenta ang mukha dahil kay sophia na nabaling ang lahat ng attention. Maya maya may biglang sumigaw. Hip hop! Hip Hop! Hip Hop! Kaya nag iba na naman ang tugtog at sinabayan ito ng sayaw ni sophia ng hip hop! Wooowww! Ang galinggg talaga nya hahaha!!!???? Tuwang tuwa si mike ng mga oras na yon habang pinapanood si sophia ng may biglang sumigaw ulit SOPHIA ORTEGAAAAAA!!!!... Napatingin sila sa kasama nilang si wendy . Wendy: Sophia Ortegaaa !! Mike: hahaha ? talagang sumigaw eh noh. Wendy: di ba Siya Ang may ari ng " Phia's Angel Dance Studio"??. Kilala ko sya eh .... Napangiti nalang si mike dahil hindi na nya marinig ang sinasabi nito sa sobrang ingay. Habang sumasayaw si Sophia sumayaw din ang ibang nanonood kaya napangiti nalang si sophia habang sinasabayan sya nila. Ivy:wahhhaaa supeerrr galing pala.?? sayaw rin tayo ?? Jenny: sayawan na haha . Ginagaya nila si sophia kaya tuwang tuwa ang mga teacher habang pinapanood silang lahat Teacher1: parang mga bata lang ?? Teacher2: ang saya saya nila oh hehe. Hanggang sa natapos si sophia sa pagsayaw kaya nagpalakpakan silang lahat . Yuhooo!!! ???? ang galingggg!?????? Head teacher: Thank you miss sophia sa pinaka wow na wow ! Na sayaw. Ang galing mo palang sumayaw napapasayaw silang lahat ! Bravo! ???? Sophia: salamat po! ? Thank you so much. Hehehe. . Head teacher: Mr. Bautista di mo naman sinabi na magaling palang sumayaw ang girlfriend mo. ? Mike: Maam, magaling talaga sumayaw yan kasi nagtuturo yan ng sayaw? Wendy: Siya lang naman Maam ang may ari ng 'Phia's Angel Dance Studio na kinababaliwan namin haha dami kasi doon mga gwapo maam??. Nagtawanan silang lahat. Head Teacher: Si Wendy talaga ganun pa rin hanggang ngayon ?. By the way thank you so much Miss Sophia sa Pagbigay ng saya sa aming lahat.. Palakpakan natin si Miss Sophia... ??????? Sophia: Thank you so much! ? Guys kung gusto nyong matutong sumayaw follow nyo lang ako sa aking social media account! Maraming salamat po!? Napagod ako ah hehe. thank you so much ulit. Head Teacher: Maraming salamat Miss Sophia. Yan follow nyo sya sa gustong matuto. ? ok nexxxttt,, sino ang gustong sumunod magperform? Napangiti nalang din ang mga kaklase at kaibigan ni Mike sa kanya. Tollll...... congrats!!! ?? Mike: haha salamat tol ?? Sophia: hehe thank you sa inyo. ? Mike: ate, ito oh tubig uminom ka muna . Sophia: thank you kuya? hehe. Mike: ikaw talaga di mo naman kailangan gawin yon para lang di ako mapahiya.? Sophia: kuya, hindi naman ako sumayaw para ipagyabang sa kanila kundi para ipromote ko ang aking business sa kanila haha? o di ba. Wala sa isip ko ang makipagkompentensya sa mga kakilala mong may hangin sa ulo hehe. Tsaka isa pa kahit di ako sumayaw alam ko naman na proud ka sa akin eh ?? Mike: haha ikaw talaga . Mabuti naman kung ganun kasi alam mo naman simula pa dati proud naman talaga ako sayo eh kaya nga ako nainlove sayo di ba? ??. Sophia: naks!? mmwah ? Mike: hehehe ? halika umupo ka muna doon. Sophia: tara napagod ako . Mike: ikaw talaga! kahit ganyan ang suot mo nakakasayaw ka pa rin? Sophia: hehe, di naman masagwa at isa pa komportable naman ako. Always ready ang suot ko noh. ? Mike: haha kaya pala. ? halika dito umupo ka muna. Umupo muna sila habang umiinom si sophia ng tubig. Ngunit sa kabilang mesa nakatingin sila Tanya sa kanila. Ivy: oh , What do you want to say gurl??? I told you . Kilalanin mo muna sya bago ka magyabang hahahaha para di ka mapahiya Tanya: shut up gurl! Jenny: haha ? tigilan nyo nga yan . Ivy: totoo naman eh! Grabe ang galawan nya bes! Pang international bes hahaha... ?.mapapa wtf ka na lang bes hahaha ?.. kita mo Kung makasigaw si mike . Proud fiance here daw nyahaha?? sinigaw ba naman sa buong universe hahaha Jenny: ikaw talaga gurl!?hahaha ?? Ivy: hahaha. Malinis ang pagkasayaw nya bes ng hiphop at may swag pa bes ?? ang pinakamatindi bes nag bali bali sya ng katawan bes hahaha ?? di ko kinaya yon bessss ??.. Jenny: hahaha . Tama na yan gurl. Tanya: yon lang naman! Mas marami pa kaya ang mas magagaling pa sa kanya. Ivy: oo nga! Kaya lang mas magaling sya kaysa sayo hahaha anong ipantapat mo sa kanya? Sige nga! ??? Pinagtawanan nila ang kaibigan dahil alam nilang naiinis na ito Kaya lalo syang inasar ni Jenny at sinakyan din ni ivy . Jenny: kayang tapatan yan ni Tanya gurl??.. Ivy: weeh di nga! Sige nga Paano? hahaha. Jenny: padamihan ng xbf hahaha??? Tanya: alam nyo tumahimik nalang kayong dalawa kung wala kayong magandang sasabihin!? Tumayo si Tanya at iniwan silang dalawa. Jenny: haha ayun na napikon!?? Ivy: hayaan mo sya! Nag iinarte lang yon haha di nya matanggap na nasapawan na sya ? Jenny: haha gurl, halika tingnan mo! Ivy: ano yan? ? Jenny: tingnan mo oh . Ang dance video dito oh. Ivy: sinong video? Jenny: ang girlfriend ni mike si sophia. Ivy: talaga! Patingin. Nakita ni Jenny ang social media acct ni Sophia kaya pinanood nila ang lahat ng mga videos na nakaupload. Jenny: panoorin natin. ? Ivy:sige! Patingin. Jenny: magaling nga talaga sya! Ivy: wow! Kaya pala! Follow nga natin.? Jenny: hahaha mamaya magalit si Tanya nyan. Ivy: buti nga yon ??. Jenny: ikaw gurl ha nahalata na kita haha?. Ivy: ito ang tinatawag na killing her softly gurl haha . ??.. Jenny: haha gaga ka talaga ? mag ingat ka baka mahalata ka nya. Ivy: i dont care gurl kung mahalata nya!?.. Jenny: haist! Ako na naman ang maipit nito sa inyong dalawa ? . Ivy: kaya wag kang pumagitna ?? manood ka lang para di ka maipit. Jenny: haha ok sige bahala ka! Nagtawanan nalang silang dalawa .. Ivy: sayaw nalang tayo ? Hinding hindi pa rin nakalimutan ni ivy ang nangyaring pagtatraidor ni Tanya sa kanya dati. Kaya kahit nagkabati na sila hindi pa rin nawawala ang sakit na dulot nito sa kanyang pagkatao. Mike: Jenny, nasaan si Tanya? Jenny: di ko alam baka nag cr. Mike: ah ok. Jenny: bakit mo sya hinanap? Mike: may itatanong lang ako sa kanya. Jenny: hanapin mo nalang sya baka nandyan lang yan kanina pa yon umalis dito sa amin. Mike: ok sige thank you jen. Bumalik si mike sa mesa nila ngunit wala na doon si sophia. Mike: nasaan na ba yon? ? Iris: nag cr siya Mike kasama si Janet. Mike: ah ok . Akala ko iniwan na nya ako ? Iris: sus! Ikaw talaga. ? Mike: bakit hindi pumunta sila Josh? Iris: akala ko ba magkaibigan kayo? Bakit di mo alam? Mike: matagal na kaming di nagkikita nun. Iris: ganun ba? Nasaan na ba sila ngayon?. Mike: di ko nga alam! ? Iris: ah baka sa probinsya nila Mike: siguro! O baka ayaw lang pumunta dito. Iris: haha. Ayaw nyang makita ang mga naggwapuhan nyang kaklase. Mike: haha tama ka .? Iris: Si Tanya parang ang talim ng tingin niya sa girlfriend mo ah. ? Mike: hayaan mo sya! Manigas sya haha. Iris: naungusan kasi sya ? inaasar nga nila Ivy at Jenny eh kaya lalong nasira ang mukha. Mike: haha oo nga eh. Hayaan mo sya.? Masayang nakipagkwentuhan si Mike sa kanyang mga ka batch Samantalang sila sophia at Tanya naman nagkita sa loob ng cr. Sophia: hi!? Tanya: oh!! Hello! Napatitig si Tanya kay sophia na parang nang aasar . Tanya: magaling ka palang sumayaw? Sophia: hindi naman masyado. Tanya: wow! Pa Humble ka pa! Napatingin si sophia sa kanya. Sophia: yon naman kasi ang dapat. Proud ka sa sarili mo pero kailangan humble ka rin. Tanya: what do you mean? ? Sophia: I mean proud ako sa sarili ko na marunong akong sumayaw at hindi ko kailangan ipagyabang yon sa kahit kanino man. Tanya: owww's .. i dont care! ? Sophia: ikaw anong pinagkakaabalahan mo? Tanya: wala! Di ko naman kailangan ang mga ganyan. Sophia: wow! Buti ka pa. Tanya: obcourse!? Tumahimik nalang si sophia habang inaayos ang kanyang buhok ng biglang nagsalita ulit si Tanya . Tanya: you know what? Matagal din naging kami ni mike dati. At sa tagal na yon hanggang ngayon nandito pa rin sya sa puso ko. Nagulat si sophia sa narinig niya . Sophia: talaga?? Tanya: kaya nung nalaman ko na wala na syang girlfriend . Pumunta ako sa party na to . Ang di ko alam meron pa pala. Sophia: nagkabalikan kami ni Mike. Tanya: so ang ibig mong sabihin naghiwalay kayo dati? Sophia: oo! Dahil wala akong oras sa kanya. Tanya: alam mo masaya naman kami dati ni mike hanggang sa marami ng umeepal. Ang balita ko sa last nyang girlfriend iniwan sya eh. Di ko alam ang rason. Siguro kasi alam mo na. Sophia: dati pa naman yon! tsaka alam ko naman lahat ang nakaraan nya. Tanya: talaga! Alam mo lahat!? naikwento rin ba nya ako sayo? Napatingin si sophia sa kanya dahil hindi nga ni Mike naikwento ang tungkol sa kanila. Sophia: hindi!kaya hindi ko alam na x gf ka nya. Tanya: bakit kaya hindi nya kinwento sayo? Ah baka siguro ayaw nyang malaman mo na. Iniyakan nya ako dati. Sophia: oh ganun ba? Tanya: yes! Ganun sya sa akin dati. Sophia: eh ano naman ngayon( sa isip nya) Pangiti ngiti pa si Tanya habang kinukwento kay sophia ang nakaraan nila ni Mike ngunit parang wala lang kay sophia ang mga sinasabi nito. Tanya: alam mo hindi sya loyal sayo. Sophia: bakit mo naman nasabi? ? Tanya: kasi di nya sinabi ang lahat sayo lalo na ang tungkol sa akin. Sophia: alam mo buti na yon di nya kinwento kasi di naman ako interesado. ? Tanya: talaga lang ha! Sophia: wala naman akong pakialam sa nakaraan nya ang importante ay ang ngayon at ako lang.. Kaya naiinis si Tanya sa sinabi ni Sophia dahil hindi man lang ito nagalit sa mga sinabi niya. Maya maya niyaya ni Janet si Sophia na lumabas na sila ng cr kaya iniwan nila si Tanya sa loob. Janet: hayaan mo nalang yon nang iinis lang yon . Sophia: ok lang! Alam ko naman ang laro nun hehe. Habang pabalik na sila Sophia sa loob sinalubong sila ni Mike. Mike: ate, alis na tayo. Sophia: hindi pa naman tapos ang party ninyo aalis na tayo? ? Mike: ok lang yan! Sige na halika na nagpaalam na rin ako sa kanila. Sophia: ok sige ikaw ang bahala. Mike: may pupuntahan pa tayo eh. Sophia: saan? Mike: ah basta! Halika na. ? Kinuha nalang ni sophia ang kanyang sling bag at nagpaalam na rin sa kanila. Sophia: Saan ba tayo pupunta? Mike: mamaya malalaman mo. Habang palabas sila nakasalubong nila si Tanya na nakangiti . Tanya: saan kayo pupunta? Mike: Alis na kami. May pupuntahan pa kami. Tanya: ha! Di pa tapos ang party ah.? Mike: ok lang naman sabi nila Maam. Tanya: ok sige.. Napangiti nalang si Tanya dahil iba ang kanyang iniisip. Mike: sige alis na kami Tanya : ok ingat kayo! Nakangiti sya habang papunta sa mesa ng mga kaibigan. Ivy: umuwi na sila mike. Tanya: alam ko! ? Ivy: bakit ka nakangiti? ?ok lang ba sayo na umalis sila? Tanya: oo naman! ? Nakita nila sa mukha ni Tanya na parang may ginawa na naman ito. Jenny: maya maya alis na rin ako. Tanya: tingnan ko lang kung anong epekto ng sinabi ko sa kanya alam kong naiinis din yon eh tinatago lang nya hahaha. Ivy: ano naman ba ginawa mo? ? Tanya: wala naman! ? Jenny: hayaan nyo na sila! Mag enjoy nalang tayo habang nandito tayo. Nakataas nalang ang kilay ni ivy dahil alam nyang may ginawa na naman si Tanya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD