6

3776 Words
BOOK2 "IKAW" ( Ika'y mahal pa rin) Part 6 Nakatulog si sophia sa kakaisip ng mga nangyari sa kanilang dalawa ni mike. Samantalang si Mich nagtataka parin kung bakit sya dinala ni Marc sa isang beach. Mich: bhe, mag night swimming ba tayo ?? Marc: gusto mo ba?? Mich: sana! kaya lang hindi mo naman sinabi wala tayo dalang damit. Marc: hala! Gusto nga nya haha? Mich: haha oo naman. Bakit ba? Ano ba ang gagawin natin dito? Marc: halika! Doon tayo. Dinala sya ni Marc sa loob Mich: bago ba ang beach na to bhe ? Marc: matagal na rin kaya lang hindi masyadong naalagaan ng may ari Mich: kaya pala! Pero parang bago ang mga cottage bhe baka pinapaayos na nila dito . Marc: halika doon tayo sa isang cottage. Huminto si Mich sa paglalakad dahil may nakita syang umagaw ng kanyang atensyon. Mich: bhe sandali! Ano yon oh? Marc: Ano ba yan? Mich: hala!? bhe! Ano yan? Marc: grabe naman ang mata mo bhe haha nakita mo agad?. Mich: haha ?anong ginagawa nila bhe? Marc: sige na nga halika punta muna tayo doon Mich: weeh! Anong pakulo na naman to bhe?? Marc: haha pakulo ka dyan. Habang papalapit sila bigla nagsigawan ang mga tao na may hawak ng malaking tarpoline. WEEEEELLLLCOOOMEEEE MAAM MICHELLLEEE!!!!!!!!?? Mich: hala????? thank you! Anong meron? ? Marc: salamat sa inyo ha nakita nya kasi kayo eh haha ?. Lumapit si Lito ang inutusan ni Marc. Lito: hindi kasi namin alam sir na dumating na pala kayo haha sorry . Marc: ah ganun ba! Ok lang. Walang problema. ? malinaw lang talaga ang mata niya haha Mich: bakit may ganito bhe ?hehe.para saan to? Marc: halika dito bhe! Ah guy's Gusto ko lang sana ipakilala sa inyong lahat si Michelle ang asawa ko ? bhe ito pala si lito ang inutusan ko sa paggawa nito hehe at saka siya rin ang pinagkakatiwalaan ko dito at sila ang mga kasama nya. Mich: hi lito! Hi sa inyong lahat. ? Lito:hi po maam! ? Hi din po maam! Sagot naman ng iba habang nakangiti sa kanya. Marc: ok sige na! Kumain na muna tayo kasi parang gabi na talaga haha. Lito: ok sige po sir.? Marc: bhe halika kumain muna tayo. Mich: sige! Bhe, halika muna sandali. Marc: bakit? Mich: bakit may katiwala ka dito? ? Ngumiti lang si Marc sa kanya. Marc: sandali bhe! lito mauna na kayong kumain ha yayaan mo silang lahat. Mamaya na kami. Lito:ah ok sige po sir. Marc: halika bhe doon muna tayo! Dinala nya si mich sa isang cottage. Mich: bhe, may tinatago ka ba sa akin?? Marc: halika muna doon. May sasabihin ako sayo. Mich: ano ba yan bhe? Kinakabahan naman ako sayo. Marc: haha. ? halika dito. Mich: ano ba ang sasabihin mo? Wag mong sabihin mag propose ka ulit sa akin ??? Marc: haha bakit gusto mo ba? ? Mich: pag isipan ko muna?? Marc: ganun? Haha . Mich: nandito na tayo sabihin mo na sa akin. Marc: bhe! Mahal mo pa rin ba ako hanggang ngayon? Mich: hala sya!? anong klaseng tanong yan bhe?? Marc: haha ?bakit? Mich: talaga? Yan ang tanong mo?? Marc: hindi!? ikaw kasi nagmamadali ka.haha Mich: hehe! ? eh ano nga ang sasabihin mo? Marc: halika nga dito! Dito ka sa tabi ko. Lumapit si mich at Niyakap sya nito . Mich: bhe, anong nangyari sayo?? hindi lang kita pinagbigyan kanina nagkaganyan ka na ?. Marc: haha ? walang kinalaman to kanina bhe. Mich: eh ano nga ito? Marc: alam mo kaya kita dinala dito para ipaalam sayo na mahal na mahal kita ? Mich: Omg! Bhe ?. Matagal ko na yan alam! dati pa! nung hindi pa kita sinagot ??. Marc: haha ganun ba?? Mich: teka nga! Ano ba ang sasabihin mo ha!? Humarap si Mich sa kanya at hinawakan sya nito sa mukha. Marc: ilove you bhe? Mich: ilove you so much!? ano ba ang sasabihin mo? Marc: ok sige sasabihin ko na at sana wag kang magalit hehe. Mich: alam mo naman ang ikinagagalit ko di ba? ? kaya alam ko hindi ako magagalit. Marc: ok sige hehe. Kasi bhe ? itong beach binili ko ?. Mich: ha?? binili mo? Marc: opo bhe!? wag kang magalit ha. Kasi hindi ko ipinaalam sayo hehe. Mich: naglilihim ka na pala sa akin? ? Marc: sorpresa ko nga sana sayo to hehe Kaya sana wag kang magalit bhe pls?. Mich: ito ang unang beses na hindi ka nagsasabi sa akin ha ☺ . Marc: oo alam ko ! galit ka ba bhe? ? Mich: syempre hindi.? ? Marc: hay salamat! akala ko magagalit ka.?? Mich: ikaw talaga! bakit mo naman naisip na magagalit ako? Marc: eh syempre kasi naglihim ako sayo hehe. ? Mich: weeh!? lokohin pa sana kita kaya lang gabi na haha ? Marc: haha alam ko naman eh. ? Mich: hehe ? bakit mo naman naisipan bilhin to bhe? Marc: binili ko to kasi alam ko naman na mahilig ka pumunta sa dagat . ? para ka kasing serena ?? Mich: haha ikawwww!? Kinurot nya si Marc habang tawa ng tawa ito sa kanya. Marc: aray ko! ? Mich: yan ka na nanaman eh ! Marc: serena ka naman talaga di ba?? Mich: serena ka dyan! Marc: hindi pa nga ito tapos bhe kaya lang naisip ko na baka may gusto kang ipagawa. Kaya sinabi ko nalang agad sayo tsaka di ako sanay na may nililihim sayo??. Mich: talaga lang ha! ?ang dilim na bhe hindi ko naman masyadong makita ang view dito?. Marc: oo nga pala noh. Mich: bakit kasi gabi mo ako dinala dito? Dapat bukas na. Marc: eh naisipan ko lang kanina. Mich: naisipan mo lang pala. Ganun?. Marc: oo !?bukas makikita mo naman ang buong paligid nito. Mich: eh sino pala ang mga yon bhe kanina? Marc: si lito nga ang katiwala ko dito kasi pinsan niya ang may ari nito dati at sya rin ang nagbabantay dito kaya siya nalang ang kinuha ko tsaka ang mga kasama nya yon ang mga magtatrabaho dito. Mich: ah ok . Babalik tayo bukas dito bhe ha para makita ko hehe. Marc: ok sige. Sabi ko nga sana dito na tayo matulog. Mich: hindi pwede bhe. Mamaya hahanapin tayo ni kisses alam mo naman yon pag nagising ? Marc: oo nga pala! yaya tet punta ako kay mama at papa doon ako matuyog haha? Mich: hahaha ? alam mo pala eh. Kaya uuwi tayo mamaya. Marc: haha. Ok sige. Mamaya mapagalitan pa tayo ni Aling kisses. ?? Mich: isumbong kita ha. ? Marc: haha! Halika na kumain na muna tayo narinig ko na ang tunog ng tyan mo. ? Mich: weeh! Tyan mo yon hindi akin noh!? Marc: haha akin pala. Halika na nga!? Mich: sige halika na. Mag alas otso na rin oh. Marc: kaya nga eh. Mich: uuwi ba tayo agad? Marc: mamaya dito muna tayo. Mich: ok sige. Sumali sila sa kanila Lito na kumakain sa iisang mesa . At pagkatapos nilang kumain dinala ni Marc si Mich sa ibang cottage upang makita nya ito. Mich: malawak ba ito bhe? Marc: hindi masyado. Mich: parang malawak naman! Oo nga pala bakit binenta ng may ari to bhe? Marc: eh wala naman daw masyadong pumupunta dito . Kasi nga di ba maraming beach sa kabilang bayan. Mich: kunsabagay magaganda rin kasi ang mga beach doon . Marc: kaya aayusin natin at pagandahin bhe. Para kahit papaano makabawi tayo haha?. Mich: haha alam ko na . Ang sarili mong pera ang binili mo dito noh. Marc: opo. ? baka kasi malaman mo pag sa account natin ko kukunin? tapos nalaman mo rin pala haha? Mich: ikaw talaga! sinabi mo eh kaya nalaman ko?. Marc: haha . Medyo malayo lang to sa bahay bhe. Mich: oo nga eh Marc: nagustuhan mo ba bhe? Mich: oo naman! Sobrang gusto bhe hehe salamat ? Marc: para pag awayin mo ako dito nalang ako pupunta dalhin ko dito si kisses ? iwan ka namin sa bahay. Mich: sira! Haha ? kailan ba kita inaway? Marc: ah hindi mo ba ako inaaway??? Mich: parang ikaw lang naman ang nang aaway?? Marc: ako pa ngayon ang nang aaway ? change topic na nga. ! Mich: hahaha ? mwaah ? ilove you ? Marc: i love you too? Mich: thank you bhe ha ? Marc: basta para sa ikaliligaya mo bhe haha alam mo naman malakas ka sa akin??? Mich: hindi naman yon! Sabi ko thank you sa love mo sa akin na walang bawas ?haha. Marc: ah ganun pala yon? ? Walang anuman yon bhe maliit na bagay haha? ? Mich: sayo maliit ! Eh para sa akin malaki na yan tsaka mahalaga yon hehe Marc: gaya nga ng sabi ko sayo dati gagawin ko lahat ang makapagpasaya sayo ?dahil mahal na mahal kita at lalo pa binigyan mo ako ng anak na sobrang daldal kaya wala na akong masabi pa?. Mich: hehe sayo naman yon nagmana. ? Marc: sa akin ba?? Mich: oo sabi nya eh. Tsaka bhe matutuwa yon bhe pagdinala natin sya dito. Marc: sige isama natin sila dito bukas . Mich: ok sige . Pero Dadaan muna tayo sa bahay bhe ha kasi sinabi ko kay kuya kanina na pupunta kami doon sa kanya. Marc: ok sige. Mich: hay ang saya ko hehe. Marc: oo nga pala bhe sa susunod na buwan pa pala ang reunion namin inurong nila kasi ang iba hindi makauwi dito. Kaya bukas pagkatapos natin dito pupunta tayo sa bahay nila Jake . Bisitahin lang lang natin sila. Nandoon kasi ang kapatid nya. Mich: ok sige gustong gusto naman ni kisses makita ang ninong nya Jake. Marc: tamang tama may kalaro sya doon. Mich: matutuwa yon kasi may kalaro sya.? Marc: oo nga eh. Sundan na kasi sya natin bhe? Mich: aba! Sigarudo ka? ? Marc: oo naman! ? ready na ako matulog ulit sa labas haha? . Mich: hahaha sabay ganun.? Marc: bakit kasi pagnaglihi ka bhe ang sama talaga ng ugali mo ? ? ang sarap mong sapakin haha. ?? Mich: haha ? kasalan ko ba? Marc: kaya nga eh nakakadala ang ugali mo pag nabuntis ka ?. Mich: haha eh anong magagawa ko.? Marc: pero ok lang bhe tiisin ko lang ? sana lalaki na para tama na agad haha ?. Mich: ? nakakatawa ka naman bhe haha ? Marc: hehe mwah? Masaya silang nag uusap sa cottage kaya hindi na nila namalayan na mag aalas dyes na ng gabi . Mich: bhe uwi na tayo. Marc: sige . Sandali . Magpaalam muna ako sa kanila. Mich: sasama ako . Marc: sige halika. Nagpaalam sila kay lito at sa mga kasamahan nito. At pagkatapos umuwi na sila agad. Mich: baka nagising si kisses bhe . Marc: di naman tumawag si ate tes kung umiyak sya. Mich: oo nga pala ?. Marc: iiyak lang naman yon kung nanaginip sya. Mich: yon na nga eh . Marc: hayaan mo na . Pauwi na rin naman tayo. Halos kalahating oras ang biyahe nila bago nakarating sa kanilang bahay. Mich: bhe gising pa yata sila may ilaw pa oh. Marc: baka di pinatay nila mama kasi di pa tayo nakauwi. Mich: ah baka siguro. Halika na. Marc: halika. Tamang tama pagpasok nila sa loob pababa din si marites ng hagdan karga si kisses. Mich: oh! Gising pa kayo ya?? Marites: umihi kasi sya kaya nagising. Nandito na pala kayo. Nakatitig lang si kisses sa kanilang dalawa. Marc: hala! ?parang bruha oh. Marites: ayan na ang Papa at Mama mo oh. Umiyak sya agad kaya kinuha sya ni mich. Kisses: taan kayo gaying ma?? Mich: halika! ? di ba nagpaalam kami ni Papa sayo kanina na aalis muna kami. Kisses: tagay aman ninyo ni papa ? Marc: hehe ?? Mich: ya, sige na matulog ka na dalhin ko nalang sya sa kwarto namin. Marites: sige.. umihi kasi sya kaya dinala ko muna sa cr tapos sabi nya doon na daw sya matulog sa inyo kaya tiningnan namin kayo kung dumating na kayo. Mich: ah ganun ba.. very good pala pa oh kasi umihi sya sa cr. Marc: wow very good sige na goodnight na kay yaya tes. Para makatulog na sya ulit. Kisses: goodnight yaya tet. Marites: good night wag ka na umiyak ha ? sige na umakyat na kayo para makatulog ka na ulit . Ay teka ang unan mo pala kunin ko muna baka kasi hanapin mo yon. Mich: oo nga pala. Bhe hintayin mo muna ang unan mauna na kami sayo. Marc: ok sige. Kaya kinuha agad ni marites ang unan at binigay kay marc. Marc: sige na ate matulog ka na ulit. Salamat ha. Marites: ok sige. . Walang anuman . Sige na para makatulog na din kayo. Marc: ok sige. Goodnight Marites: goodnight Umakyat si marc sa kanilang kwarto at binigay sa anak ang unan. Marc: sweety ito na ang unan mo. Mich: bhe kunin mo muna sya mag half bath lang ako. Marc: ok sige halika sweety. Mich: sweety punta ka muna kay papa. Kisses: noo! ? ( yumakap sya ng mahigpit kay mich) Mich: mag ccr lang ako sandali tapos matulog na tayo. Sige na Kisses: nooo!?? Marc: ayaw mo sa akin? ? iiyak nalang ako. ? ayaw na ni kitet sa akin huhu ?. Mich: hala umiyak si papa oh sige na punta ka na sa kanya Kisses: nooo!??. Mich: bhe mauna ka na muna mag cr . Mamaya na ako kumapit na oh haha ? Marc: ok sige .patulogin mo nalang muna yan bhe Mich: kaya nga eh wala na sa mood ? Marc: goodnight sweety ?? . Kisses: noooo!!?? Mich: hala! Ayaw mo magpakiss kay papa?? Marc: hindi na pala ako nya love .? Mich: haha. Sige na mag cr ka na bhe. Marc: sige na nga ? tinutupak si Aling kisses oh??. Mich: haha sige na bhe para pagkatapos mo ikaw muna dito sa kanya. Kisses: nooooooo!!? hindi kao aying kitet pa. Marc: ok sige hindi na haha ?. Mich: bhe sige na ? Marc: haha ?sige na nga. Pagpasok ni marc ng cr pinahiga ni mich si kisses sa higaan. Mich: humiga ka na muna dito sweety ha ? ang sakit na ng kamay ni mama. Hehe Kisses: hayika ka ma! Tabi ka dito ta akin. Mich: ok sige tabi tayo. ? matulog ka na ulit ha. Kisses: opo. Mich: sige na matulog ka na kasi bukas aalis tayo Kisses: taan tayo punta ma? Mich: kay tito mo mike . Kisses: ta bahay nya ma? Mich: opo. Di ba gusto mong pumunta doon? Kisses: opo. Mich: kaya matulog ka na. Kisses: hindi na ako antok ma. Mich: ha? ?? naku lagot na. Kisses: hehe . Guyat ka ma? Mich: opo! Gulat ako ? matulog ka na ulit kasi bukas aantukin ka nyan. Kisses: hindi na ako antok ma eh. Mich: haha ? naku. Yumakap si kisses sa kanya . Kisses: hehe. Ma, dede ako tayo . Mich: hala!? haha Kisses: ?tige na ma hehe. Mich: ikaw ha niloloko mo ako ???. Kisses: hindi po ma haha . Mich: niloloko mo ako eh. ?? sige na sleep ka na. Kisses: hehe ayoko nga! Mich: ayaw mo? Sige kagatin kita sa pwet? Kisses: nooooo!? Papaaaaaaaa!! Nagulat si Mich ng bigla syang sumigaw kay marc. Mich: wag kang sumigaw natutulog na sila lolo at lola? Tinawanan lang nya si Mich. Maya maya lumabas si marc ng cr. Marc: ano yon bhe?? Kisses: Papaaaa kunin mo ako dito ti mama oh kagatin nya ang pwet ko??. Mich:ayan oh ayaw matulog? Tumayo si kisses sa kama kaya agad naman kinuha ni Marc. Marc: akala ko ba natulog ka na?? Mich: di na daw sya inaantok? ayan bhe mag babantay ka ngayon. Marc: ha?? ayaw mong matulog? Kisses: hehe ayaw. Mich: haha. ? Marc: sige bahala ka . Bukas ang mata mo lulubo yan pag ayaw mong matulog. Kisses: nooo! Mich: mag cr na nga muna ako. Marc: sige na ma para matulog na tayo si kisses magbantay sa atin ayaw nyang matulog eh .. Mich: ok sige pa . Kisses: hehe ayoko matuyog pa. Mich: haha. Mwah ?mag cr lang muna ako ha. Kisses : opo hehe. Marc: ayaw mong matulog? Kisses : hehe ayaw. Marc: ako nalang matulog. ?? Kisses: nooooo! Papa ek upppp! Marc: ayaw mo matulog eh. Kisses: hindi na ako antok pa. Hehe . Marc: humiga ka lang dito oh para antukin ka . At wag ka ng daldal pa ng daldal haha ? . Tawang tawa si Marc sa mukha ng anak habang nagsasalita ito . Kisses: hehe ikaw ang madayday pa ? Marc: haha ?sige na matulog ka na kasi bukas dadalhin kita sa dagat. Kisses: nooo! Punta kami ni mama kay tito mike. Marc: eh di pagkatapos natin pumunta kay tito mo. Kisses: ayoko pa yin matuyog pa hehehe. Marc: ayaw pa rin?? Kisses : opo hahaha. ? Marc: papanget ka nyan pag di ka matulog . Kisses: hehe matuyog nayang ako pa . Marc: haha ang bilis ah! halika dito sa tabi ko. Tumabi din sya agad at yumakap sa ama. Kisses: matuyog ako pa paya ganda ako? Marc: opo! ? kaya matulog ka na. Kisses: opo! Marc: yan goodgirl talaga ang baby ko. ? Pinikit nya ang kanyang mata at ilang segundo lang dumilat na naman sya ulit. Kisses: Pa, biyi tayo kying kying bukat. Marc: ha? Ano yon? Kisses: kying kying pa. Marc: ah ang bell na laruan. Sige bibili tayo bukas. Kisses: noo! Hindi yon pa. Marc: sabi mo kling kling. Di ba bell yon ? Kisses: kying kying yon pa.. Marc: ano ba yon? Sige bukas na. Matulog na muna tayo. Kisses: kying kying yon paaa. ? Marc: ? kling kling klang klang haha . Kisses: hahaha opo pa. Marc: ok sige bukas na ? Gising parin sya hanggang sa lumabas na si Mich ng cr. Mich: sweety matulog ka na. Kisses: ma, biyi po tayo kying kying. Mich: ano yon?? Marc: haha ? di rin alam ni mama oh. Kisses: kying kying po ma ta yabas yon. Marc: baka ang laruan bhe . Mich: ok sige bukas . Matulog ka na muna ha. Kisses: nooo! Biyi po tayo kying kying . Marc: bukas na kasi gabi na oh sarado na ang tindahan. Kisses: dyan po ta yabat pa. Hindi aman ta tindahan pa eh. Nagtinginan nalang si Marc at Mich dahil hindi nila naintindihan ang sinasabi nito. Marc: ano ba ang sinasabi nya bhe? Mich: hindi ko alam? Kisses: kying kying nga po ma. Mich: ang kagaya sa laruan mo na bell? Kisses: noooo! ?? Marc: ayan na umiyak na sya. Hindi nga namin naintindihan ni mama ang sinasabi mo. Kisses: kying kying po paaa. ? Marc: ok sige kung ano man yan bukas na ha matulog ka na muna. Kisses: nooo!? i dont want to syeep. Mich: sweety, bukas na ok. Higa ako sa tabi mo ha . Matulog na tayo.? Kisses: ayoko matuyog ma?. Marc: halika dito matulog na tayo wag ka ng umiyak . Bili tayo bukas ng kying kying. Kisses: dami dami pa ha. Marc: opo . Bili tayo marami. Mich: bhe hindi mo pa nga alam kung ano ang sinabi nya nangako ka na sa kanya. ? Marc: para makatulog na oh . Kisses: Ma, kying kying nga po? Mich: alamin muna namin ni papa ha bago tayo bumili ok. Umiyak na sya ng umiyak dahil sa sinabi ni mich. Kisses: kying kying nga po maaaaa???. Mich: ano ba kasi yang kying kying na yan? Kisses: kying kying po ma. ? ta yabat . Marc: baka ang swing bhe kasi meron dyan oh sa kabila. Kisses: noooo! Hindi twing paaaa?? Mich: bukas na natin pag usapan yan matulog na muna tayo ok. Kisses: ??? Marc: sa tingin mo makakatulog ba yan? Haha? Mich: sige na sweety matulog ka na. Kisses: ??? biyi tayo kying kying .??? Marc: haha loko loko na kying kying yan ?? ano ba kasi yan? Mich: haha bheee? Kisses: ??? . Biyi tayo kying kying paaaa. Marc: magkano ba ang kying kying na yon?? Mich: hahaha Sumagot din si kisses sa tanong nya. Kisses: ten petot yong mayaki pa. ?? Mich: hahaha bhe?? ten daw. Marc: ganun? Ten petot pala yon muya yang paya haha??. Kisses: opoo! Ganito yang pa oh. ?? Pinakita nya ang kanyang sampung daliri kaya tawa ng tawa silang dalawa sa anak. Marc: ah ok ganun lang pala ?. Kisses: opo pa ? Marc: haha sige nga! ano ba ang sasabihin pag bumili ng kying kying? Kisses: ganito po! kuya, pabiyi po ako ita yang! ganun pa.? . Mich: hahaha?? jusko naman. Marc: ganun ba? ? saan ba tayo bibili nyan? Kisses: ta yabat kay kuya ? takay tya ta bike pa . ?? Mich: haha ?may clue ka na bhe Marc: ah ok alam ko na ? alam mo na rin ba bhe? Mich: hindi eh. ? Kisses: ?? ti papa nayang ma. Mich: ok si papa nalang ?? Marc: ice cream ba yon? Kisses: noooo! Pa hindi yong aykyem. Marc: ah ok alam ko na ice crumble? Kisses: opo ? Mich: hahaha ano? Yon lang pala ? nahulaan mo na bhe. Marc: pinalitan na pala ang pangalan nun haha kying kying na pala yon ?? Kisses: kying kying yon pa. ? Marc: haha yon pala yon. Kumain ka ba nun kanina? Kisses: opo. Biyi ti tito mike? Mich: ah baka kanina bhe haha. Marc: ah ok naintindihan na namin si tito mike pala ang kasama mo bumili? Kisses:opo si tita ganda yin pa? Mich: talaga? Silang dalawa ? Kisses: opo. Tumahimik na sya dahil naintindihan na ng kanyang magulang ang kanyang hinihingi. Marc: hindi mo naman agad sinabi na si tito at tita pala ang kasama mo bumili. Eh di sana tinanong namin sila. Kisses: hehe kati pa nakayimutan ko. Mich: ok na sya bhe oh. ? Marc: yon lang pala yon ? Kisses: hehe biyi tayo marami pa pa. Mich: yan na ang sinabi ko bhe ? Marc: ok sige! dalawang cup lang kasi baka ubuhin ka pag marami. Kisses: opo hehe. Mich: ok ka na ba? Pwede na ba tayo makatulog? Kisses: opo ma. Hindi na ako iiyak hehe. Marc: haha hay naku! Kying kying ? Kisses: hehehe matuyog na tayo pa. Mich: sige na humiga ka na dyan. Kisses: opo. Marc: si mama sa gitna natin. Kisses: ako yang ta gitna pa. Kati baka mahuyog ako doon oh ? Mich: haha ? matulog ka na nga dyan bhe. Marc: ah ok sige na nga wala talaga akong magawa sayo?. Kisses: hehehe. Mich: goodnight na? Kisses: goodnight pa? ma? ayab you hehe. Napangiti nalang silang dalawa sa kanilang anak sa sobrang kadaldalan nito. Marc: i love you so much ? Mich: i love you din sweety ? sige na sleep ka na. Kisses: opo. Ilang sandali lang nakatulog sya agad kaya natulog na rin sila Mich at Marc. Samantalang si sophia nagising ng marinig ang iyak kanina ni kisses kaya lumabas sya ng kwarto upang puntahan sana ito. Ngunit narinig nya ang boses nila Marc at Mich kaya bumalik nalang sya ulit sa kanyang kwarto at humiga hanggang sa makatulog. Mike: Ateeeee kausapin mo naman ako parang awa mo na !!! Makinig ka naman sa akinnnnn... Sophia:Wala na tayong dapat pag usapan mikeeeee ??niloko mo ako.... Mike:Hindi kita niloko ateeee pakinggan mo kasi akooo.. parang awa mo naaaaa.... Sophia: iwan mo na ako ditooooo umalissss ka naaaaa!? Mike: ate parang awa mo na plssss makinig ka sa akin. Tumakbo si sophia palayo kaya hinabol sya ni mike. Mike: sophiaaaa hintayinnnn mo akooo parang awa mo naaaaa!!! Patuloy pa rin sa pagtakbo si sophia hanggang sa narinig nya ang malakas na busina ng isang truck at nakita nya si mike na bumulagta . Mikeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!! ? Ooooooooooooppppppppsssssss??!!! ITUTULOY...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD