"Saan tayo pupunta?" Tanong 'ko kay Matias nang lagpasan namin ang likuan papuntang bahay. "Someone is following us," nakangisi pa ito. "Na naman?" Gusto 'ko suwayin ang sarili ng sabihin iyon. Nakakahiya. Na naman ka diyan, Iris? Tumawa ito. "Are you expecting this?" Hindi 'ko na mapigilan ang sarili na mainis sakanya. Bakit parang nage-enjoy pa talaga ito sa tuwing may nangyayaring masama? Ano bang tingin niya sa ganitong sitwasyon? Laro? Hindi laro ang panganib. It can take our lives a moment like this! Kaya't hindi 'ko maintindihan kung bakit nakukuha niya pang tumawa? At bakit 'ko ba hinayaan ang sarili 'ko na sumama sakanya? "Matias, itigil mo ang s-sasakyan..." Tinignan 'ko ang rearview mirror at nakita ang pulang kotse sa likod. Saglit akong nilingon nito, "I said someon

