I glared to the guys. Hinihingal pa ito at naghahawakan para hindi tuluyang matumba. "Damn, dapat nakipag-sapakan na lang ta'yo... Mas nakakapagod tumakbo," si Hugo. Nilingon ko si Matias na nakatingin sa'kin habang pinapaypayan ang sarili gamit ng kamay. My forehead knotted. "Anong problema mo?" Lumapit sa'kin si Matias. "Bakit ka naman nakasimangot?" Napailing na lang ako sakanya. Hindi ko talaga makuha kung bakit siya natutuwa sa ganito. Lumapit sa'kin si Hugo at tinapik-tapik ang balikat ko. "Damn, you know how to run Iris!" Hugo complimented me. Napailing na lang ako sa sinabi nito. Tuwang-tuwa talaga sila. "Paano naman 'yong kaibigan nilang nasa ospital?" I started to asked. I mean, I know... Mali ang ginawa nilang pagsugod sa'min na may hawak ng mga tubo at ano pa. Pero

