"Why are you crying?" Inulit ni Matias ang tanong niya sa'kin nang makaupo kami sa kama. Hinawakan nito ang balikat ko at tinignan. Naningkit ang mata nito at kumunot na ang noo. "Bakit ka umiiyak? Sino ang nagpaiyak sa'yo?" Tinignan ko sa mata si Matias—at wala pa rin akong makitang pagbabago sa hinaharap nito. Now that I can look at him in his eyes... Parang ang galing naman niya mag-kunyari. "Anaiz c-called..." "Anong sinabi niya sa'yo?" Tanong nito. Nag-aalala. Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa harapan niya mismo iyon. Hindi niya ako binibilog—he only wanted to protect me because he is thankful. O hindi? "W-Wala... Galit lang siya s-sakin dahil wala akong utang na loob sakanya," I reasoned. Tumango ito. Ipinikit niya ang mata at inihagis ang sarili sa kama. I can see h

