23

1776 Words

NAKALIMUTAN ni Jasmin ang sadya niya sa silid ni Gareth nang magtama ang mga mata nila pagkatapos siyang pagbuksan ng pinto. Naglaho lahat ng inihanda niyang pangungusap. Walang natira sa sunod-sunod na tanong na nabuo kanina sa kanyang isip. Nakatitig na lang siya sa mga mata ni Gareth, nakaawang nang bahagya ang mga labi habang inaapuhap sa isip ang mga sasabihin. Hinawakan na ni Gareth ang bisig niya, hinila na siya papasok sa silid at isinara na ang pinto ay hindi pa rin siya makaapuhap ng sasabihin. "May gusto kang sabihin?" Si Gareth, kaswal ang tono pero masidhi ang titig sa mga mata niya. Lalo nang natuliro si Jasmin nang bumaba sa mga labi niya ang titig ni Gareth. Lumakas nang husto ang pintig ng puso niya at umiksi yata ang kanyang paghinga. Bigla siyang nagbawi ng tingin—sal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD