21

1344 Words

MALAKAS ang pintig ng puso ni Jasmin nang pumasok siya sa Rayos nang Lunes na iyon. Pinipilit niyang iwaglit sa isip ang usapan nila ni Gareth noong nakaraang Sabado ng gabi, pero parang tuksong paulit-ulit na bumabalik iyon sa kanyang isip-hayun at tuliro tuloy siya. Hindi niya alam kung paano kakausapin si Gareth na hindi nito mahahalatang kinakabahan siya. Sunod-sunod ang paghugot ni Jasmin ng hininga paglabas ng elevator. Nagpalipas muna siya nang ilang segundo bago tumuloy sa opisina-upang magulat lang nang salubungin siya ng limang nakangiting mukha, bawat isa ay nasa likuran ang mga kamay at may kung anong itinatago sa kanya. "Ano'ng meron?" Bumungisngis si Connie. Nilingon ang mga kasama. "Ready ka na, Jas?" anitong lalong nagpakunot sa kanyang noo. "Dyaran!" Sabay-sabay na ipin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD