Chapter 46

1157 Words

"Bakit isinama mo pa ang babaeng iyan dito, Charles? Alam mo namang wala iyang ambag dito kundi puro kamalasan lang!" asik ni Ivy. Apat na araw na sa ospital si Chris at ngayon ang pangatlong araw na dumalaw si Charles. Kumulo lang ang dugo niya dahil kasama nito si Chantal. Inaasahan niya pa naman na si Andy ang kasama nito. "Na saan si Andy? Bakit hindi mo siya kasama?" dagdag niya pa rito. "Busy siya sa school may tinatapos na projects," sagot ni Chantal imbes na si Charles ang sumagot. Muli na namang kumulo ang dugo niya dahil parang pinapamukha nito na mas may alam na ito sa buhay ni Andy kaysa sa kanya. "Hindi ikaw ang tinatanong ko." Matigas ang boses na wika niya. "Chantal, p'wede bang umalis ka na muna? Ayaw ko na ng gulo lalo na rito sa ospital." Malamig ang boses na saad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD