NATASHA'S POV
Pumunta ako sa Ref niya upang tingnan kung ano ang laman sa loob.
Puro meats? Saad 'ko sa isip 'ko, mabuti na lang at hinalungkat 'ko, may isang buong manok siya rito.
Magluluto na lang siguro ako ng Adobo. Agad akong nagtungo sa lababo upang ibabad sa tubig ang manok, nang lumambot ay hiniwa 'ko na sa dalawa. Ang isa ay gagamitin 'kong panluto, habang ang isa ay ibinalik 'ko sa Ref.
Nang matapos 'kong kunin ang lahat ng sangkap ay yumuko ako sa tapat ng lababo kung saan naman nakalagay ang mga gamit pangluto.
Kinuha 'ko na lang ang kawaling may katamtamang laki at takip.
Hindi rin nagtagal ay naluto 'ko na ang ulam, muntik 'ko na nga rin makalimutan magsaing ng kanin sa rice cooker. Mabuti na lang at naalala ko.
"Is it cooked? I am hungry."
Napatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa likuran 'ko.
"Putek, nakakagulat ka naman." Agad 'kong sambit dahil sa gulat ng humarap ako sa kaniya. "Yes, luto na. Maupo ka na ro'n, ihahanda 'ko lang 'to saglit."
Sumunod naman s'ya sa sinabi ko at naupo sa upuan.
"Masarap ba 'yan?" taas-kilay n'yang tanong.
Tinaasan 'ko rin s'ya ng kilay. "Bakit anong akala mo sa 'kin? Hindi magaling magluto? Baka bigla kang maging lalaki kapag natikman mo ang niluto 'ko?"
Napatawa naman siya ro'n bago sinimulang kumuha ng kanin at ulam.
Tiningnan 'ko muna ang reaction niya bago ako tuluyang kumuha ng akin nang bigla naman siyang sumabat.
"Hoy, dzai, may sinabi ba 'kong kumuha ka? And then why are you sitting there? Manners please..."
What the?
"H-hoy! Ako naman nagluto, ah? At saka nagugutom na rin ako, 'onti lang naman ang kinakain 'ko. Sumakit sana 'yang t'yan mo."
"Just kidding, baka mamatay ka riyan kapag hindi ka pinakain, eh. Haha." He laughed.
I tsked at him bago 'ko muling kumuha ng pagkain.
Naging tahimik naman ang tagpo namin,
nang matapos ay agad rin siyang tumayo at saka ako inayang umalis na.
"Let's go, may pinapunta na 'kong maglilinis niyan, and we might be late for my next meeting."
"Yes, Sir."
~~
"Good after~" naputol ang sasabihin ni Sir Jarred nang makita niya ang mukha ng kaharap niya.
Nagtaka naman ako sa naging reaction niya, habang 'yong babae naman ay may masayang ngiti sa mga labi.
"S-shane..." utal na sambit ni Sir Jarred.
"Hey, love..." nabigla ako ng bigla niyang kabigin ng halik si Sir Jarred, na halatang nagulat rin sa ginawa niya.
Masaya ang mukha ng babae habang si Sir Jarred ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita at nangyayari.
Maski ako ay nagtataka na sa nangyayari sa harap 'ko, maraming pumapasok na tanong sa utak ko pero alam 'kong hindi 'ko rin naman masasagot 'yon.
Bahagya akong dumistansiya sa kanila upang bigyan sila ng privacy. I don't know why I felt a little pain in my chest, pero ipinag-sawalang bahala 'ko lamang 'yon.
"W-what are you doing here?" At sa wakas ay nagsalita na rin si Sir Jarred mula sa pagkakagulat.
Medyo nagulat pa ako sa boses niyang manginginig ka dahil sa lamig ng mga 'yon. Masama rin ang pakiramdam 'ko, dahil parang may mangyayaring hindi maganda ngayon.
"Why? Don't you want to see me? Love, didn't you miss me? Because I missed you." At muli na naman niyang hinalikan si Ate Girl.
I tsked, linta ba 'to? Psh, parang linta kasi kung kumapit. O 'di kaya sugpo? Sunggab ng sunggab.
"No."
"Oh, come on, I know you want to see me. Don't deny it.
Napa-arko ang kilay ko dahil sa narinig, Oh, come on, I know you want to see me. Bulong ko sa utak ko, Hoy girl! May anak 'yan, ipapakilala ko pa siya sa mga anak niya, abno na 'to.
"What? Don't touch me, let's go, Miss Alegria."
Lakad takbo ang ginawa 'ko habang sinusundan siya. Ano bang klaseng paa 'yan? Ang lalaki nang hakbang.
Narinig 'ko pang sumigaw si Ate Girl, pero hindi siya nilingon ni Sir Jarred.
"Ahm, Sir? Sa'n na po tayo pupunta?" I ask him.
"Bar," simpleng sambit niya.
What? Ang aga pa para sa alak.
~~
"You know what?" Napatingin ako sa kaniya ng marinig 'ko siyang magsalita mula sa kanina pa niyang pag-iinom.
Pinoproblema ko pa 'yong oras, dahil malapit ng mag 7 ng gabi. Mabuti na lang at tinawagan 'ko ang isa sa mga bantay ng mga bata kanina, saglit 'ko rin nakausap ang mga anak 'ko kanina.
"What?"
Muntik ng matuyo ang lalamunan 'ko ng bigla siyang lumapit sa 'kin.
"Your eyes..." tinitigan niya ang mga mata 'ko habang ako naman ay unti-unti naman akong natutulos sa kinauupuan ko. "Ang ganda."
Naramdaman 'kong umiinit ang mukha 'ko dahil sa sinabi niya, the manly of his voice as he laughed, my face got even hotter when he came even closer. I couldn't sit still as he brought his face slightly closer to mine.
"Why are you blushing?"
"W-what? I'm not blushing... That's normal."
Muli na naman siyang tumawa. "Oh, yeah? That's normal, eh? Haha."
Sinamaan ko siya ng tingin bago tinulak ng bahagya ang mukha niya papalayo sa 'kin. Napainom ako sa alak dahil sa bilis ng kabog ng dibdib ko, I don't know if nervous or what, I can't explain.
"Lasing ka na ba? Tingnan mo nga galawan mo, para ka ng tunay na lalaki. Are you gay, right? Then, why are you acting like that?"
"What? I didn't do anything, you concluded something."
Tinarayan 'ko lang siya bago 'ko siya inayang umuwi dahil halatang wala na siya sa sarili, mabuti na lamang at hindi ako sumabay sa kaniyang padamihan ng uminom na alak, dahil alam 'kong ako ang magiging driver nitong abno na 'to.
"Uwi na tayo, Sir. Lasing ka na, kailangan 'ko na rin umuwi sa bahay 'ko."
Tumayo ako at nilapitan siya bago sapilitang pinatayo. Grabe ang bigat!
"No, I want to drink more."
"Eh, Sir. Pa'no naman ako? Kailangan 'ko ng umuwi."
"Alright, let's go."
Inakay ko siya hanggang sa makalabas kami sa loob ng Bar, dumiretso kami sa parking lot.
Pinaupo ko siya sa Passenger Seat bago sinarado ang pinto, while I went straight to the Driver Seat.
Pinaandar 'ko na ang sasakyan ng magsalita siya.
"What if, your past lover ay bumalik? Anong magiging reaction mo?"
Napatingin ako sa kaniya saglit bago sumagot at muling tumingin sa daan.
"I don't know, siguro kung may ginawa siya sa 'king kasalanan noon, hindi 'ko alam kung anong magiging reaction 'ko. Kasi, tinanggal 'ko na siya sa buhay 'ko. Although, let’s say you have memories? Maybe I'll be surprised when he suddenly comes into my life when I've forgotten him for a long time, eh, tapos bigla siyang darating. Baka nga ang magiging reaction ko ay magugulat."
Mahaba-haba 'kong sambit. "Pero naka-dipende 'yan sa 'yo kung ano ang magiging raction mo."
"Ok," mabilis akong napatingin sa kaniya dahil sa isang salita lang ang sinagot niya sa 'kin. Putek, ang haba-haba ng sinabi 'ko tapos gano'n lang isasagot niya?
"Anong, ok? Ang haba-haba ng sinabi 'ko tapos gano'n lang? Ok? Ano ka, sponsor ng Ok Cheese, gano'n?"
"Oo, I cheese you."
Wtf?