CHAPTER 125

1595 Words

KAHIT SINO yata ay manginginig sa mga nasasaksihan. Ang mga batang walang muwang ay takot na takot na nakasiksik pa rin sa gilid ng kama. Binihisan ni Agapito ang mga bata. Umiiyak pa rin ang mga ito sa labis na takot. Nilapitan niya ang tatlong bata. "Kailan pa kayo rito? Nasaan ang mga magulang niyo?" tanong niya. May mga itsura ang mga batang nasa kanyang harapan at mukhang galing sa mga pamilyang may kaya. "I want to go home," umiiyak na sagot ng batang isa sa kanya. "Gusto ko ng makita si Mama," dagdag pa nito. "Makakauwi na kayo... Safe na kayo okay? Ibabalik ko kayong lahat sa mga magulang ninyo," wika niya pang ginulo ang buhok nito. Sa murang mga isip ng mga ito ay karahasan na ang naranasan at dahil yun sa kanyang organisasyon. Sa kabilang banda ay may guilt siyang naramdaman.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD