NAGMAMADALI pumunta si Camillo sa ospital pagkatapos siyang tawagan ni Agnes. Ang alam niya ang kasama ng kanyang asawa ay si Agatha lamang. Ang lakas ng t***k ng kanyang puso habang pinapapatakbo ang kanyang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang iisipn. Wala na siyang ginaw akundi ang magdasal na lamang habang hindi niya pa nakikita ang asawa. Nakakapraning pala ang ganito lalo na kapag nalaman mo na nasa ospital ang babaeng mahal mo. Sinubukan niyang tawagan si Agnes pero hindi niya na ito makontak kung kaya lalo lamang siyang nag-alala. Hindi niya na magawang maipark ng maayos ang kanyang sasakyan dahil sa kanyang pagmamadali. Magtatanong pa nga lang siya sa imformation nang makita niya si Agatha at Agnes. Nakita naman siya ng dalawa. "Kumusta siya? Anong nangyari?" sunod-sunod niyan

