"Debyboo, gusto mo bang lumipat ng condo? Baka may mangyari sayo na hindi maganda dahil sa stalker mo. Ako ang nag-aalala para sayo. Guilty tuloy kami dahil sa dare namin sa'yo, " himutok ni Hailey at ramdam ko pa ang takot sa boses niya.
Nilingon ko pa siya habang abala ako sa paggawa ng sales report.
Ilang araw na kasing nagpapadala ng kung anu-anong bagay sa condo ko ang stalker ko.
Actually hindi naman siya yung mga regalo na creepy, yung tipong matatakot ka. Madalas ay bulaklak o kaya naman teddy bear na may kasamang quotes. Hindi naman ako masyadong nag-worry pero sina Hailey at Mel ang natatakot para sa akin. Safe naman ako sa condo ko. At saka mahigpit naman ang security rito sa building namin kaya walang dapat ipag-alala sa akin.
"I'm okay. Saka wag niyo akong isipin, safe naman sa unit ko. Sinabi ko na rin sa guard na wag tatanggap ng bisita, basta-basta," paliwanag ko pa sa kanila."Nag-aalala lang kami," sagot pa ni Mel. Ngumiti lang ako at muli akong nagpatuloy sa aking ginagawa.
"Don't worry I'm fine. Relax lang kayo. Kasi sure ako na magpapakita rin ulit ang stalker na kilala ko," biro ko pa.
"Ikaw ang bahala. Maiba nga pala tayo, alam mo ba nag-dinner ulit kami sa restaurant na sinasabi ko sayo. Guess what kung sino ang nakadaupang-palad namin?" Lumapit pa si Hailey sa akin. Kaya naman muli ko siyang tinapunan ng tingin habang nakakunot ang aking noo.
"Who?" tanong ko.
"Chef Zachary Fuentes! He's a very humble man, right Mel?" Baling pa ni Hailey sa partner niya. "Yes. I think bagay kayo," pambubuska ni Mel sa akin. "Busy ako," tipid kong sagot. "Saka I'm sure ako na katulad ko rin siya," dagdag ko pa. Kaya naman sabay pa silang natawa sa sinabi ko. "May sense. Pero try mo rin kumain sa restaurant niya, minsan. I'm sure na mag-eenjoy ka talaga kay Chef Zachary, este sa foods nila…." nakangisi pang sabi ni Hailey sa akin. Tumawa lang ako.
"Yep. Gusto ko rin matikman ang iba pa nilang pagkain. Here." Inabot ko pa kay Hailey ang report na ginawa ko. Nag-inat-inat pa ako at inikot-ikot ko ang aking leeg.
"Ang taas ng sales kaya deserve niyo na uminom mamaya." Kumindat pa ako. "Wow! Ang taas nga! Congrats sa atin!" halos sabay nilang bulalas. Napangiwi pa ako nang yakapin nila ang isa't-isa m, nang-inggit pa talaga.
"Let's celebrate?" Umiling-iling ako sa kanya. Uuwi kasi ako ng Bukidnon upang dalawin si Lola. Sabay pa silang nagkatinginan at parang hindi makapaniwala. Kaya naman tumawa pa ako. "Death anniversary ni Lolo kaya uuwi ako and to visit na rin si Lola," paliwanag ko pa.
Tumango-tango naman sila. Saka may mga events pa ako kaya wala akong oras sa magwalwal ngayon. Kapag maluwag na ang aking schedule. Ewan ko ba, wala akong gana ngayon dahil na rin kay Theo.
Saka next week ay papunta pa ako ng Bohol. Doon na lang siguro ako babawi ng walwal.
Saglit pa kaming nag-usap tungkol sa coffee shop na balak nilang buksan at saka sabay-sabay na rin kaming bumababa upang magsimula na sa trabaho.
"Baby cappuccino for Hazel!" Sigaw ko saka ko pinatong sa counter ang order ng customer.
"Thank you," sabi nito nang kunin ang kape.
"Welcome, Ma'am!" nakangiti kong sambit.
Maya-maya pa ay dumagsa na ang mga tao. Maging ang pick-up orders at maging dito sa loob ay tambak na rin. Kaya buong araw kaming busy. Mabuti na lang at hindi kami nawawalan ng customer service araw-araw. Napagsasabay ko pa ang pagkuha ng litrato at pag-serve sa mga orders nila.
"What is your order, sir?" magalang kokf tanong sa lalaking nakapila sa harap ko.
"Hmmm..." Tumingin pa ito sa menu board namin at tila nag-iisip pa kung alin dito ang oorderin niya. Saka muling tinuon ang atensyon sa akin.
"Hi, pwede bang ikaw na lang ang orderin ko?" nakangiti pang tanong ng antipatiko na lalaki na nasa harap ko kaya naman nagtawanan pa ang ibang customer na nasa likod nito. Pero ako ay nanatiling walang emosyon.
"Next please!" sabi ko pa.
"Nagbibiro lang ako. Hindi ka naman mabiro—"
Tiningnan ko pa siya nang masama. Hindi ito oras para makipaglaro.
"Sorry, sir but I don't have time para makipag-biruan sa'yo o baka mali kayo nang napasukan, hindi po ito comedy bar," sarkastiko kong sabi. "I'm sure na marami kang kaibigan, sa kanila mo lang gamitin yan. Marami kaming customer," sabi ko pa. Akala yata nila ay uubra sa akin ang ganito ka-corny na bagay. Tinuro ko pa ang mga taong nakapila at gusto rin mag-order.
"Okay, okay, o-one americano,"
"Is that all?" tanong ko. At medyo nakababa na ang kilay ko.
"Blueberry cheesecake," tila natauhan naman ito sa sinabi ko at kung kaya naman biglang nag-seryoso. At nahiya sa mga tao sa likod niya. Dapat lang.
"Natakot yata sayo, Madam Devyboo," mahinang tanong pa ni Julie at saka bumungisngis. "Why? Mukha ba akong monster?" biro ko pa.
Kaya naman natawa pa siya saka nagpatuloy sa ginagawa niya.
Sa sobrang busy namin ay hindi namalayan na uwian na pala. Ang bilis lang ng oras talaga.
At habang nasa sasakyan nga ako ay muntik na akong makatulog sa pagod.
Dahil hindi naman traffic ay mabilis lang kaming nakarating sa condo ko.
"Byeeee!" Kumaway pa ako sa mag-jowa ng maihatid nila ako. "See you when I see you!" habol ko pa.
"Ma'am, may nagpadala po ulit." Sabay abot sa akin ng guard ng isang bungkos ng bulaklak. Kahit nasabi ko na kay kuya ay patuloy pa rin ang makulit na magpadala ng kung anu-ano.
Katulad ng araw-araw na eksena ay may regalo na naman na pinadala si Theo. Ayaw niya talagang tumigil. Kaya naman nakaisip na akong way upang tumigil siya. "Kuya, kapag po may nag-deliver ulit dito, pakisabi po na hindi na ako rito nakatira. Wag niyo na pong tatanggapin pa," bilin ko pa sa guard namin bago ako naglakad palayo.
Pasalampak pa akong naupo sa sofa nang makapasok ako sa loob. Bakit ba may mga taong ang kulit-kulit? Hindi ba sila marunong makiramdam na ayaw sa kanila ng tao? Pinikit ko pa ang aking mga mata.
Bigla naman akong napadilat nang biglang tumunog ang phone ko.
Tinatamad pa akong kinuha ito sa loob ng bag upang tingnan. Napa-irap pa ako sa kawalan ng mabasa ko kung sino ang nasa kanilang linya.
"Hello," walang buhay kong bungad.
"Hello, a-anak, naistorbo ba kita?" tanong niya pa.
"Why?" balik tanong ko naman.
"Uuwi ka raw bukas ng Bukidnon sabi ng Lola mo, right?"
"Yes," tipid kong sagot.
"T-that's good. I want to send some money sana for—" hindi ko na pinatapos pa ang mga sasabihin niya sana.
"No need. Ako na ang bahala kay Lola,"
"Sure ka ba anak?" paniniguro niya pa. Kaya naman napatirik pa ang aking mga mata.
"Yes. Ang gusto lang ni Lola ay presence ko.
Baka nakakalimutan mo na sila ang nagturo sa amin na kumita ng pera sa sarili naming pagod. I'm sure tatanggihan niya ang pera mo," sarkastiko kong litaniya.
"A-anak—"
"Pagod ako sa work, I need to rest. Bye…" At pinatay ko ang tawag niya. Hindi ko kayang makausap ang taong unang nagwasak ng pagkatao ko.
Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. Pakiramdam ko ay bumabalik lahat ng mga bagay na nasaksihan ko noon. Para siyang bangungot sa buhay ko na hindi na maalis-alis pa.
Sa sobrang pagod at pag-iyak nga ay nakatulog na pala ako sa sofa. Nagising ako bandang 1am na kaya naman dali-dali akong pumasok sa shower room upang maligo. Maaga rin akong aalis mamaya kaya mabilis lang ang ginawa kong pagligo para makatulog pa ako. Sobrang miss ko na si Lola Fely kaya excited na ako sa pagkikita namin mamaya. Wala na naman akong gagawin dahil naihanda ko na ang aking gamit para sa two nights ko na pag-stay sa Bukidnon. Gusto ko sanang mas matagal pero may mga prior commitments pa ako.
Kaya matapos akong maligo ay tinuyo ko na rin ang buhok ko ng dryer upang maituloy ko na ang aking naudlot na pagtulog.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para sa maaga na flight ko.
Nagtungo muna ako sa kusina upang mag-breakfast. Lagi kong ginagawa ito sa tuwing aalis ako dahil kapag gutom ako sa byahe ay nawawala ang sense of direction ko. Cereal at dried fruits lang ang pinili kong kainin muna. Nagtimpla rin akong coffee para magising ako sa byahe.
Matapos kong kumain ay hinugasan ko muna ang mga ito. Saka ako nagbihis at naghanda sa pag-alis ko.
Hindi naman nagtagal at nakarating na rin ako sa airport. Mula nga rito sa Manila ay halos isang oras ang biyahe ko patungo ng Laguindingan airport. Dahil wala naman direct flight sa Bukidnon ay kailangan ko pang magpalipat-lipat pa ng sasakyan para makarating doon.
Lulan na ako ng airplane at ilang saglit lang ay makakarating na rin ako ng Laguindingan airport.
Kaya naisip kong umidlip lang muna, dahil mahigpit isang oras naman ang flight ko.
At mula rito ay kailangan ko pang sumakay ng bus papunta ng Agora terminal upang sumakay ulit ng bus patungo sa Malaybalay Bukidnon. Nakakapagod ang biyahe at medyo short time lang ang pag-stay ko roon, but na-promise ako kay Lola na next month ay mas matagal ako sa Bukidnon, pumayag naman siya.
Matapos ang halos kalahating araw na biyahe ay nakarating na din ako. Yung pagod ko in my whole travel ay napawi nang makita ko ang lugar na kinalakihan ko noon.
Tuwang-tuwa pa ang mga pinsan ko nang makita nila ako.
"Maayad ha aldaw!" bati ko pa. At ang ibig sabihin ay 'Good day' Natawa pa sila sa akin.
"Vy!" Sigaw ni Suzanne at mabilis akong niyakap. "I missed you, my beautiful and sexy cousin! Oh, wait—Are you English?" tanong niya pa. Kaya naman mas lalo pa akong natawa. "I'm not English, I'm Binukid," biro ko pa.
"Where's Lola?" tanong ko nang maibaba ko ang aking gamit sa kwarto na tinuluyan ni Suzanne. Si Suzanne ang kasama kong lumaki rito sa bahay kaya naman siya ang pinaka-close ko sa lahat ng mga pinsan ko.
"Nasa likod-bahay, abala sa pakikipag-chismisan!" Natatawa niya pang sagot. "Ikaw, Suzanne, how are you?" tanong ko naman sa kanya. "Me? I'm good. Kahit medyo stress sa pagtuturo sa mga bata. But happy pa rin. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Vy, you looked different now…." Natawa pa ako ng pilit. At pilit iniiwas ang mga mata sa kanya.
"I don't want to talk about them, Suzanne. I'm here para makasama kayo ni Lola," iwas ko pa sa topic. Tumango-tango naman siya at muli akong niyakap.
Sabay pa kaming napatingin sa pinto nang higlang bumukas ito at niluwa si Lola Fely na may magandang ngiti sa kanyang labi.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. "Lola…" naiiyak ko pang tawag habang yakap-yakap ko siya.
"Kumusta kad en?" tanong niya habang patuloy sa paghagod sa likod ko. Imbes na sumagot ay humikbi lang ako. "Sshhh…stop crying, hija. Lola is here na," pang aalo niya. " I missed you, apo..." sambit niya pa.
"L-lola…I-I'm sorry," patuloy ako sa pag-iyak. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi nang mayakap kong muli si Lola. Si Lola ang higit na nakakilala sa akin dahil siya halos ang nagpalaki sa akin. At alam kong madi-disappoint siya kapag nalaman niya kung ano na ako ngayon. Kung sino na si Devy ngayon.
Naaalala ko pa noon na sa kanya ako umiiyak sa tuwing may nang-aaway sa akin. Siya ang tagapagtanggol naming tatlo sa tuwing nauwi kami na may sugat.
Pinalaki nila kaming maayos, pero dahil sa mga nangyari sa pamilya namin sa Australia ay pakiramdam ko ay napawi lahat ng turo nila ni Lolo Ador sa akin.
"Hija, magagalit ang Lolo mo kapag nakita ka niyang umiiyak, natatandaan mo ba ang turo niya noon sa inyong tatlo?" Tumango-tango naman ako. Tandang-tanda ko pa ang sinabi ni Lolo.
"Bawal umiyak pero pwedeng gumanti," Sabay-sabay pa kaming natawa.
"Naalala mo pa ba na everyday tayong nagpa-practice ng karate?" tanong pa ni Suzanne sa akin. "Oo, naman. Sabi ni Lolo, dapat laging handa!"
"Apo, kusang hihilom ang sugat…." sambit pa ni Lola.
Lumapit pa si Suzanne at yumakap din sa akin.
"Kaen ki!" Sabay-sabay pa kaming napalingon nang may sumigaw. Tinatawag na pala kami ni Tita Carmen.
"Oh, siya, tara na. Alam kong nagugutom ka na Devy," yaya pa ni Lola.
"Vy, pinaluto ko pala ang favorite mo na sinigang na hipon at inihaw na tilapia," dagdag pa ni Suzanne. At sabay-sabay na kaming lumabas ng kwarto upang kumain. Hindi na rin kasi ako umabot sa padasal kay Lolo kanina pero dadalaw na lang kami mamaya.
Naging masaya ang halos dalawang araw kong bakasyon dito sa Bukidnon. Hindi ako nag-open ng phone ko dahil gusto kong sulitin ang araw ko rito. Bumili rin ako ng pasalubong para sa mga friends ko pabalik.
At ngayon araw nga ang balik ko sa Manila kaya naman medyo nagkakadramahan na kami ni Lola.
"La, promise ko sayo na babalik ulit ako. Saka pwede po kayong dumalaw sa Manila," sabi ko habang minamasahe ko ang kamay niya. "Maingay at mausok sa Maynila, hihikain ako roon," tanggi niya pa. Kaya naman natawa pa kami ni Suzanne.
"Come back again. Hihintayin kita, Hija," wika pa ni Lola. Humalik pa ako sa pisngi niya. "Promise," nakangiti kong sambit.
"Pagbalik mo, Vy, dapat may boyfriend ka nang bitbit!" biro pa ni Suzanne kaya naman Pinandilat ko pa siya.
Matapos magpaalaman ay sumakay na ako sa Van na maghahatid sa akin sa airport. Hindi ko na pinasama si Lola para hindi na siya mapagod sa biyahe kaya naman si Suzanne na lang ang sumama.
"Vy, next vacation, plan ko na puntahan ka sa Manila. Parang ang saya kasi sa Manila, nakaka-blooming!" excited niya pang pagbabalita sa akin.
Nilingon ko pa siya habang namimilog ang aking mga mata. "Really? Sure! Nakaka-excite naman. Isasama kita sa mga bar pagdating mo ng Manila. Marami kang makikilala na lalaki. Maybe nasa Manila ang destiny mo!" Tumawa pa ako.
"Sa tingin mo? But I'm busy sa pagtuturo I have no time sa lovelife." Sumimangot pa siya. "Sabihin mo, you're waiting sa childhood crush mo!" Tumawa pa ako nang malakas. "Vy! Shut up! Of course not!" todo kaila niya pa saka humalukipkip sa tabi. Kaya naman mas lalo pa akong natawa sa kanya.
Muli namin inalala ang mga childhood memories naming dalawa at puro kami tawa ni Suzanne habang nasa biyahe. Bigla kong nakalimutan lahat ng mga bagay-bagay. Sometimes we need na lumayo kahit papaano para na rin sa peace of mind na kailangan natin. At sa pag-uwi ko sa place kung saan wala akong maalala kundi 'happiness' lang.
"Yy, take care. Love ka namin ni Lola, always remember. Hihintayin ka namin, see you again." Niyakap pa ako ni Suzanne. "Thank you. I promise." Ngumiti pa ako. "Go na! Baka maiwan ka pa ng airplane," taboy niya pa sa akin. At pinagtulakan niya pa ako.
At bago ako pumasok sa loob ng airport ay kumaway pa ako sa kanya.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga saka ako naglakad nang masaya at may ngiti sa aking labi.
Back to reality again. But I'm used to it. Sanay na ako sa buhay. At dapat lang.
Nagising ako mula sa pagkakahimbing sa announcement ng airline.
Nasa Manila na pala kami. Halos hindi ko namalayan.
Hindi ko namalayan na tulog pala ako sa buong biyahe pabalik sa Manila. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. At saka sumilip sa labas at nag-inat na para bang nasa bahay lang.
Gabi na ako nakarating sa Manila. Bigla ko tuloy na-miss sina Lola. Pero promise, babalik talaga ako sa kanila.
Inayos ko ang aking sarili at saka ako tumayo upang kunin ang aking bag sa taas. Nakipila na rin ako sa mga taong palabas na ng eroplano.
Nang makalabas na ako ay biglang tumunog ang phone ko, kinuha ko sa bulsa upang tingnan kung sino ang tumatawag.
Nang makita ko sa screen ang name ni Mel ay natampal ko pa ang noo ko. Nakalimutan ko na sila nga pala susundo sa akin dito.
"We're waiting for you outside, Devyboo!
I missed you, Devyboo!" narinig ko pang sigaw naman ni Hailey. Parang super tagal naming hindi nagkita.
"Coming," tipid kong sagot. "See you there," saka ko pinatay ang tawag at muli kong binalik ang phone sa bulsa ng pants ko.
Naglakad na ako palabas upang puntahan sila na excited na sa pasalubong ko!
"How's your trip? Anong pasalubong mo for us?" kaagad na tanong ni Hailey nang makapasok ako sa loob ng sasakyan.
"Wow! Pwedeng umupo muna? Excited ka?" biro ko pa saka ko kinuha ang bag ko upang kunin ang pasalubong ko for them. "Here." Sabay abot ko ng pineapple pie, tart, jam, piñasitas, at may Binaki pa. Sikat sa province namin ang pagkain na ito. Ang Binaki ay steamed corn.
"Thank you! Bakit walang fresh pinya?" Pinandilat ko na siya ng mga mata dahil sa pagiging demanding.
"Joke lang!" sabay bawi. At nagsimula na niyang kainin ang mga bigay ko.
"Devyboo…" tawag ni Mel sa akin.
"Yes?" kunot-noo kong tanong.
"About your stalker—si Theo pumunta siya sa shop and hinahanap ka.
"What?! Again?!" Tumaas pa ang kilay ko.
"Guess what—"
"What?" tanong ko habang hinihilot ko ang aking noo.
"He hired a detective para lang hanapin ka!" Namilog pa ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. I didn't expect na umabot siya sa ganito.
"Crazy!" palatak ko pa. After kong ma-relax sa Bukidnon, stress naman ang sasalubong sa akin pagbalik ko rito.
"How did you know?"
Si Hailey na ang sumagot sa tanong ko. "He told us. Co-owner din siya ng bar na 'yon!"
"Devyboo, ang lakas ng tama niya sayo, nakakatakot!" komento pa ni Mel.
"Yeah. Imagine mo, nag-hire pa ng detective para lang hanapin si Devyboo, creepy!" palatak pa ni Hailey habang abala sa pagkain ng tart at sinubuan pa si Mel.
"Next time ay haharapin ko na siya. I hate this feeling!" may diin kong sambit.
"Much better!" panabay na sagot nilang dalawa.
Kinabukasan ay late na ako nagising dahil sa pagod sa biyahe. Wala pa nga sana akong balak nang bigla naman nag-ring ang phone ko. Kaya wala akong choice kundi abutin ito sa ulunan ko para sagutin.
"Hello," inaantok ko sabi. Ni hindi ko nga nabasa kung sino ang ba tumatawag dahil pipikit-pikit pa ang mga mata ko.
"Come here! He's looking at you!" halos mabingi pa ako sa boses ni Hailey. "Who?"
"Theo—" Mabilis akong bumangon sa kama. "I'm coming! Wag niyo siyang paaalisin dyan!" bilin ko pa at mabilis akong pumasok ng shower room. I'm gonna cut his kabaliwan!
Habang naliligo ay nagbo-book na rin ako ng sasakyan para mabilis akong makarating sa shop. Isang summer dress na lang ang napili kong isulat at flat sandals, hindi na rin ako nag-ayos, tinuyo ko lang ang mahaba kong buhok. At saka nag-spray ng pabango. Sakto naman nang matapos akong mag-ayos ay nasa baba na ang sasakyan.
Ngayon ko lang yata nahiling na wala sanang traffic para makarating agad ako ng shop.
"Lagot talaga siya sa akin!" inis kong bulong. Mag face to face kaming dalawa!
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami, nagmamadali pa akong bumaba upang maabutan ko ang stalker na si Theo.
Nang makapasok ako ay kaagad kong nilibot ang aking paningin at nakita ko naman agad ang hinahanap ko sa isang sulok ng coffee shop mabuti na lang at wala pang masyadong tao ngayon. Malalaking hakbang ang ginawa ko upang makarating sa table niya at kung saan ay kauasap nina Mel at Hailey. Nang makita ako ni Theo ay kaagad siyang tumayo na may malawak na ngiti sa kanyang labi.
Hindi ako gumanti ng ngiti sa kanya dahil hindi ako natutuwa sa kanya.
"Good morning, Devy," bati niya. Mukhang nagulat naman ang dalawa sa pagdating ko.
"Walang maganda sa umaga ko. Sinong nagbigay ng permission sayo na sundan ako, huh? Hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan?!" irritable kong sabi. Bigla naman nawala ang ngiti niya sa labi.
"I want to be honest with you, Theo, right?" Tumango-tango naman siya at pilit ngumiti.
"Hindi ako ideal girl for you—find a girl na decent at hindi katulad ko, natutulog sa tabi ng lalaking nakilala ko lang kung saang bar, nakikipag-one nightstand sa matitipuhan kong lalaki," wala akong pakialam kung mag-iba pa ang tingin niya sa akin, I'm just being myself. Hindi nakaka-proud pero ito ako, ito ang totoong ako.
Mukha naman nagulat siya sa narinig niya.
"W-what are you talking about?" Tumawa pa siya ng peke.
"Hanggang kama lang ako, " sabi ko pa.
Naramdaman ko pa na hinawakan ako Mel sa balikat at ng lingonin ko siya ay umiling-iling pa.
"You want me? Fine. Let's go somewhere, just the two of us, I'll take you to heaven, then after that —tantanan mo na ako!" walang abog kong sambit.
Hindi naman siya nakaimik buhat sa sinabi ko nanatiling lang siyang tahimik.
"Take it or leave it?" hamon ko pa.
"I'm not kind of—nevermind. I'm leaving," tangi niyang nasabi at saka naglakad paalis.
Mas malinaw pa sa mineral water na walang lalaking tatanggap sa akin.