[Infinity’s POV] I know hindi ko kelangang manghimasok sa problema ng kanilang pamilya but here I am standing in the veranda with Rave and his mom. Konti nalang yata at magmumukha na akong poste dahil nakatayo lamang ako habang pinapakinggan ang usapan nilang dalawa. Ayokong magsalita lalo na't nakikita kong blanko ang expression ng mga mata ni Rave. Kanina pa lamang ay alam kong wala na ito sa kanyang sarili habang nasa meeting kami. I know something's bothering him kaya napag-isipan kong humingi ng pabor sa mom nito upang makapag-usap silang dalawa sa mansyon. Ramdam kong I'm not the right person to clear his mind lalong lalo na kung tungkol na naman ito sa kanyang kapatid. "Are you still upset, Son?" malungkot na tanong ni Mommy Yvette habang pinagmamasdan ang anak nito. Bahagya pa i

