Hindi magkamayaw ang sigawan ng mga guest nang makita ng mga ito na lumanding ang isang white private jet malapit sa kinaroroonan ng Pavillion. Labis na tuwa ang naramdaman ng lahat nang makitang may nakalagay na FinRave sa magkabilang side nito. "Its time, my Infinity." Kinilabutan si Fin sa tono ng boses ni Rave. Nakita nalang nitong nakaangat na ang dalawang paa niya sa ere dahil sa biglaan pagbuhat ni Rave dito. He's literally carrying her in a bridal manner habang ang mahabang gown ni Fin ay nakasayad na sa berdeng damuhan na nilalakaran nila. Masayang ngumiti si Rave sa mga bisita na tuloy pa rin ang palakpakan at sigawan. "Thank you so much for your gift, Mr. Minamoto," sambit nito bago tumalikod sa madla habang buhat ang asawa. Tiningnan nito si Fin na tila walang kaalam-alam

