Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ni Fin habang nakatingin ito sa mata ng kaniyang asawa. Naiiyak na ito sa sobrang kaba pero wala naman silang magawa upang mas mapabilis ang lipad ng jet na sinasakyan. They need to wait patiently. They need to hold on to their faith that nothing bad will happen to Bless. Both of them will be safe through God's grace. "Ang kelangan nating gawin ay ipagdasal ang safety nila habang nasa byahe tayo, my Infinity." Hinawakan ni Rave ang kamay ng asawa at hinaplos nito. "I know magiging okay si Bless at ang baby. Let's claim it," mahinang boses na sambit ng asawa pero kita din ang kabang nararamdaman nito. Marahan namang pumikit si Rave at huminga ng malalim. Pilit niyang hinaplos ng dahan-dahan ang kamay ng asawa upang maitago ang panginginig nito. "Tr

