Ipinagwalang bahala ni Bless ang makapal na salamin sa pagitan nilang dalawa ng asawa. She didn't cared about what will people say o kung may pulis mang nagbabantay sa kanila ngayon, puso nito ang nagsabing kelangan niyang sundan si Alfred. Alam ni Bless na hindi maaring magkamali ang kutob nito, sigurado itong nakaramdam ng labis na emosyon si Alfred kanina. Punong-puno ng katotohanan ang luha mula sa mga mata nito habang pinagmamasdan ang kaniyang ina hanggang isinakay na ito ng mga pulis sa isang police car. "Minsan ba naisip mong bumuo ng pamilya na kasama ako, Alfred?" diretsong tanong ni Bless habang pinagmamasdan si Alfred. Tinitigan niya ito ng malalim habang sekretong nakayukom ang mga palad sa ilalim ng mesa. Ayaw niyang makita nitong namamawis ang kaniyang mga kamay dahil sa

