Natapos na lamang ang ginawang makeover sa kanya, pero ang kanyang mommy at ninang Nancy ay hindi pa rin tapos sa kanilang chikahan galore. Talagang bumawi ang mga ito sa panahon na nagkalayo silang dalawa dahil namalagi na ang kanyang ninang sa ibang bansa kasama ang asawa nitong si Juan Marco Salvatierra na purong Espanyol. Nababagot na rin siya pero nakita niyang tumayo at ngumiti sa kanya si Albie. "Hey, Marie! You're so beautiful in your new look," paghanga nitong sabi at lumapit sa kanyang inuupuan at tumayo sa likuran niya ng umalis ang hairdresser. "Thank you," tipid niyang sagot at tumayo na para lapitan ang dalawang ginang na kanina pa abala sa kwentuhan. "Look at them, Marie. It seems they have their own world and they never knew that you're done with your treatment." "Yea

