He felt guilty of what he said earlier. Masyado na siyang harsh sa mga sinasabi niya kay Louisse and it really hurts on her ego. Umupo siya sa tabi ni Louisse at niyakap niya ito ng mahigpit, "I'm really sorry. I didn't mean to hurt you, baby." "Just leave me alone!" Mahina pero madiin niyang sabi. Para siyang binuhusan ng tubig na may maraming yelo sa sobrang lamig ng kanyang pakikitungo sa kanya. Nasasaktan din naman siya para kay Louisse. Pero mas masasaktan silang pareho kung magpatuloy pa ang ganitong set up nila. "Please, let's talk." Umangat bigla ang gilid ng kanyang labi at mataman lang siyang tiningnan. "Talking— about what?" She asked. "Ahhhhhh.. gusto mong pag-usapan ang tungkol sal inyo ni Thisa, tama ba ako?!" pigil ang boses nito sa galit. "Yes, but please calm down."

