Habang naghihintay ng kanyang huling klase ay hindi inaasahan ni Marie na makita niyang muli sa loob ng campus si Stephany Louisse Delima, ang nag-iisang anak nina Gregorio at Dona Venegracia, the owner and founder of Doña Venegracia University. Ngayon lang ulit niya itong nakita after the Hell Night, kung saan siya mismo ang honored guest ng naturang selebrasyon. Nakakamangha ang kanyang kasuotan ngayon hindi man ito kasing bongga sa suot niya during Hell Night, pero lumutang pa rin ang kanyang sophisticated look. Sobrang ganda nito ngayon sa suot niyang white fitted skinny jeans at pares nitong pang-itaas na printed crop top blouse. Hindi maiiwasan na may ilang estudyante na lalaki ang napapatingin sa kanya at sinusundan siya ng tingin habang naglalakad ito sa hallway patungo sa Cha

