CHAPTER 02: My Ultimate Crush, My Hero!

2149 Words
Mike is a typical handsome boy, in our school. Iyong tipong susulyap ka lang sana, pero mahuhulog ka na sa pagtitig sa kanya. He has the charisma —'yung tipong nadaanan ka lang niya pero masasabi mo ng “Wow! ang gwapo niya talaga!" I'm 4 years old then at nasa Preschool, nang una kong makilala si Mike Hansen Jusawee, at nasa Grade 4 naman ito. Pero kahit ang laki ng agwat namin sa isa't-isa pakiramdam ko, I'm the perfect girl for him. I’ll bet my favorite doll, na hindi lang ako ang may crush sa lalaking iyon. Halos lahat na siguro ng mga babae sa school namin ay siya rin ang crush, maging sa lower grade man or higher grade. He's a transferee student sa aming school, pero wala pa ang isang buwan, sumikat na kaagad si Mike dahil sa katangian nitong gwapo kahit suplado pero sobra naman itong simpatiko. Magaling siya sa lahat ng bagay both academic and non academic achievements. Our first encounter at the school ground. I was lucky then, he's there to protect me when I was bullied by the other students. ***** “UWIAN NA!” sabay-sabay namin sigaw na magkaklase paglabas ng classroom. Nag-uunahan kaming tumakbo patungong playground, bitbit ang kanya-kanyang bag pero dahil sa maliit ako kumpara sa mga kaibigan ko ay bahagyang nahuli sa pagtakbo, dahilan para abutan ako ng ilang Grade 1 students na kumakaripas din ng takbo kaya sa isang iglap nabundol nila ako. Nadapa ako at nahulog ang hawak-hawak kong laruang remote control na sasakyan. "Don’t get me wrong ha, but I love playing boy's stuffs." Sometimes it's more fun than playing with barbie dolls, it feels boring. “Hoy, lampa! Sa iyo ba ito?” Isang sigaw ng batang lalaki habang hawak ang laruan ko. Isa ito sa kasamahan na sadyang bumundol sa akin. “Yes. Akin po iyan, kuya! Give it to me please—" sabi kong nagmakaawa habang pinapagpagan ang nadumihan kong palda. “Don’t call me Kuya, you’re not even my sister, lampa!” sigaw nito at sabay silang nagtatawanan ng mga kasamahan niya. Lumapit ako sa kanya para sana kunin ang laruan ko, pero pinagpasapasahan nila itong magkakaibigan. Sinadya pa nitong itaas ang laruan para hindi ko maabot. Pilit ko inaabot ang aking laruan pero sadyang inilalayo ito sa akin. “Give it back to me, please— akin naman 'yan eh! Akin na iyan!” naluluha akong nagmamakaawa sa kanila pero parang mga bingi lang ito at patuloy pa rin sa ginagawa. “Akin naman 'yan eh! Eh! Eh! Eh! Hahaha!” panggagaya pa nila at sabay-sabay akong pinagtawanan. Pero isang batang lalaki ang nagsalita mula sa aking likuran na kaagad kung ikinalingon, seryoso ang mukha pero sobrang gwapo nito sa kanyang suot na uniform. Napatulala ako ng makita siya ng malapitan, dahil siya lang naman ang lalaking tinatangi niya. “Hey! Give it back to her.” Isang boses ng batang lalaki ang umagaw sa kanilang atensyon. Agad silang nagsitigil at sa isang iglap parang bula silang naglaho at nagtatakbuhan kung saan tsaka basta na lang itinapon ang aking laruan sa di kalayuan. Nakita kong pinulot ng batang lalaki ang laruan ko at lumapit sa akin. Habang nakangiti na inabot ni Mike, “Here’s your toy, kid.” Napatingala ako kasi mataas ito kumpara sa akin, pero mas lalo akong nagulat ng makita ko siya, kaya nauwi ako sa pagkatulala. “Hey!” nai-wave pa nito ang dalawang kamay sa harap mismo ng mukha ko dahilan para kumurap ako ng paulit-ulit. Nginitian niya ako at sabay niyang inabot sa akin ang aking laruan. Napayuko ako sa sobrang hiya sa kanya. “Here. Cheer up, kiddo! Don’t let them bully you again." Tapik niya sa aking balikat. Mabilis pa sa alas kwatro na kinuha ko ang aking laruan at nginitian siya. “Thank you po. What’s your name?” Magsasalita na sana ito pero biglang may tumawag sa akin dahilan para lingunin ko si mommy na tumatawag sa aking pangalan. “Marie!” “Mommy!” Patakbo akong lumapit kay mommy at biglang iniwan ang batang lalaki na umalis lang din kalaunan dahil lumayo na ako sa kanya. “I told you baby, na huwag kang masyadong lumayo sa classroom mo." Yumuko ito para mapantayan ako at tiningnan sa mga mata. Sinalubong ko ang kanyang tingin na puno ng pag-alala. “I just want to play with my friends mom. Sorry kung pinag-alala pa kita mommy,” mahinang sagot ko. “It's ok, but don’t go too far baby, para hindi ako mag-alala sa iyo at ayokong mapahamak ka, okay?" She gently tap my head and kiss me on my forehead. “So how’s your school, baby?” tanong nito habang hawak-kamay kaming naglalakad. Wala sa sariling, sumulyap ako sa lugar kung saan ko naiwan yung batang lalaki pero wala na ito. “It’s fine mom," naglalayag ang isip kong tugon kay mommy. We’re nearly heading to the parking lot, kung saan naka-park ang sasakyan namin ng may namataan akong babae, may bitbit na shoulder bag habang may kasunod na batang lalaki. Agad na lumiwanag ang mga mata ko ng makita ang mismong batang lalaki kanina na siyang tumulong sa akin para makuha ang aking laruan. “Dalian mo, Shin!” narinig kong singhal ng babae sa kanya. Kaya parang aso itong kaagad na sumunod at habol ng habol sa magandang babae. "I'm sorry, Stephie dahil natagalan ako. Hintayin mo naman ako sandali lang," hinging paumanhin nito at nagmamadaling sumunod sa nagngangalang Stephie. "Wala akong paki! Kaya bilisan mo d'yan dahil late na tayo," pagtataray pa rin nitong sagot at mas lalo pang naglakad ng mabilis. Nakasimangot akong sinusundan sila nang tingin habang nagmamadaling lumabas ng school gate ang dalawa. "Shin. Is that his name? Astig nga pero takot naman sa babaeng iyon,” mahinang usal ko. Tsaka napaisip ng bahagya at kibit ang balikat na muling naglalakad habang pinalobo ang mukha para mapigilan ang ngiting namumuo sa aking labi. Lihim na napapangiti dahil sa sobrang kilig. ****** Isa sa pinakamasayang alaala ko kay Mike, ang lalaking siyang Prince Charming ko ngayong gabi. Hindi ko inaasahan na siya pala ang sorpresa ni mommy. Ito na ang pinakamagandang regalo na natanggap sa tanang buhay ko. Tinignan ko sa mukha ang lalaking kasayaw ko ngayon. He's so handsome, everything's perfect from his almond gray eyes, long nose, down to his red lips. Bihira akong nakakita ng lalaki na may mapupulang labi, thick and shiny. "Kissable lips, in short!" nakatulala kong sambit sa aking sarili. "Hey, kid! Are you alright?" He asked worriedly. "What? Did I said something nonsense?" Nauutal akong sumagot, "A–Ah Hmm— Yeah! I'm okay," namumula ang pisngi kong sagot. "Kanina ka pa kasi nakatulala at nakatingin sa kawalan. At may sinasabi ka pero hindi ko lang maintindihan." "Ikaw lang naman ang iniisip ko at pinapangarap," bulong ko sa aking sarili at tsaka tipid na ngumiti sa kanya. "Hey!? Why don't you tell me? What's bothering you right now?" He asked worriedly. "As I said, I'm alright Mike. Don't worry too much about me. I'm just overwhelmed." Isang matamis na ngiti ang pinapakawalan ko at nagpatuloy sa pagsayaw kasabay ni Mike. After that solo dance with Mike, nagpalit ng tugtog para sa lahat. Kaya ay kanya-kanyang sayaw na ang mga bisita pati mga kaibigan ko. Sumabay na rin kami ni Mike na sumayaw sa makabagong tugtog. My party is almost done, kaya pumasok na ako sa loob ng living room kung saan nakalagay ang mga gifts para sa akin mula sa mga bisita at kaibigan ko. Nag uwian na rin ang mga bisita, tanging piling kamag-anak na lang namin ang naiwan sa garden at nakikipag-usap sa kanila ni Mom and Dad. I was checking every gifts at bahagyang inalog-alog para malaman kung anong laman nito bago ito buksan. Hindi ko naramdaman ang paglapit ni Mike sa akin, “Hey, kid! Happy Birthday.” Bahagya akong natigilan at napahinto sa akmang pagbubukas ng regalo ni Micah para sa akin. Dahan-dahan akong tumingala para tingnan ito. I thought he left earlier, hindi ko na siya kasi nakita kanina after we've danced together. I've searched everywhere, but I couldn't find him. But wait— sinabi ba n'yang—? oh no-no tinawag na naman niya ba akong KID? Nakakainis talaga ang lalaking 'to! Why is he calling me that 'kid' again and again? “Thank you!” May bahid na pagkainis kong tugon tsaka ko binaling muli ang atensyon sa mga nagkalat na regalo sa sahig. “Hey!” . . “Thisa!" "Wait. What? Did he called me by my first name? Didn't he?" agad kung sinalubong ang tingin nito. “Thisa?” pag-ulit niya. But it's like, hindi niya naman ako tinatawag parang sinadya niya lang itong bigkasin. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. “You’re calling me by my first name?” takang tanong ko sa kanya. “Yeah. Why? Hindi ka ba pwedeng tawagin sa first name mo?” “Kasi ikaw pa lang ang tumawag sa akin ng ganon. Nagtataka lang ako dahil siguro hindi ako sanay." “Yeah. Your first name sounds good to my ears.” “Bakit?” “What?” naguguluhan nitong tanong. “Tsss! Tinatanong nga kita tapos sasagutin mo rin ako ng patanong? Edi wow!” nailing kong sabi. “It's just— ahmm— Why? Bakit nga ba?” “Tss— what I mean is, why did you call me Thisa? Everybody called me by my second name, Marie.” “Well, I like it better than your second name,“ tipid lang nitong sagot. Madiin kung kinagat ang aking labi para itago ang kilig at ngiti. Para hindi niya makikita ang pamumula ng aking pisngi. “Here. My gift for you. Hope you’ll like it, Thisa." Namilog bigla ang mga mata ko sa nakita kaya agad ko itong kinuha at inalog-alog. “What is it, Mike?” “Why don't you open it?” Kaagad kung pinag punit-punit ang wrapper nito hanggang sa tumambad ang isang box. Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita. “Oh my God!” wala sa sariling niyakap ko ito ng mahigpit. “Ahmm— Thisa!” Madiin na pumikit ang mata at dahan-dahan kong inalis ang brasong nakayakap sa kanya at bahagyang lumayo na namumula pa ang pisngi. “I-I'm sorry. Na— carried away lang ako, Mike. I'm so shocked and happy at the same time ng makita ito," ani ko sabay pakita ng regalo nitong remote control car sa akin. "Matagal na rin akong hindi nakalaro ng ganitong laruan nasira na kasi iyong sa akin. Hindi naman sa pinagbabawalan ako but mommy keeps on reminding me na, it’s for the boys only," nahihiya kung pahayag sa kanya. “So, I guess, ako ang may pinakamagandang regalo?” cool nitong sabi na bahagyang naka-angat pa ang gilid ng labi. Is he smiling at me? "I guess so. Thanks a lot, Mike.” Marami pa sana ang sasabihin ko sa kanya ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan. “Hans! Hijo, did you give your gift to Marie?” His dad I guess, at nakompirma ko nga ng sumagot ito. “Yes, dad." Seryoso nitong sabi saka bumaling sa akin. “Did you like it, hija? I told him that you might not like it—“ “No,Tito! Actually, I love it nga po,” putol ko sa sasabihin nito. “Oh! Is that so? It looks like my son knows you better. Hmmm—” patango-tango nitong sabi bago iniwan kaming muli ni Mike sa gitna ng living room. Awkward kaming nagkatinginan at sabay na napabuntong hininga. “I have to go now, Thisa," sabi nito. Agad ko siyang binalingan at marahang tumango. I just don’t know what to do or what to say. So, it's better to shut my damn mouth! I want him to stay longer but I don't have any right to ask him to stay with me a little longer. “Uhmm— by the way, you look more prettier today, Thisa." Sinabi nito bago tuluyan na ngang lumisan tsaka iniwan akong nakatulala ng mag-isa dahil lang sa kanyang sinabi. Nagpalinga-linga ako sa paligid ng makumpirma na walang ibang tao ay kaagad akong sumampa sa taas ng mahabang sofa at tumalon-talon habang hawak ang magkabilang pisngi tsaka mahinang tumili sa sobrang saya at kilig. "Is this for real? Or I'm still dreaming already? Wake up, Thisa!" Mahinang kinurot-kurot ang aking pisngi para matauhan. Parang nasa alapaap ang aking pakiramdam, "Did he really told me that? That, I'm pretty? Oh my G! I guess, I'm gonna' faint right now and sleep happily ever after." Pabigla kong binagsak ang aking likuran sa malambot na sofa, at mariin na pumikit ang mata para isipin ang gwapong mukha ni Mike. Hanggang sa nakatulog na ako ng mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD