Masyado siyang nasaktan, knowing that Mike is cheating on her. Gusto niyang umiyak lang ng umiyak para mabawasan ang sakit na kanyang nararamdaman pero wala ng luha ang tumutulo pa sa kanyang mga mata. “Bakit naman ang unfair, kung kailan naging masaya na ako tsaka naman lumabas ang cheating issue ni Mike? Tapos hindi pa nagpapakitang muli si Mike sa akin, ang sakit lang di ba?” parang tanga niyang kausap sa kanyang sarili. Syempre, nais pa rin niyang malaman ang totoo mula kay Mike mismo pero hindi naman niya ito matatawagan kaya mabuti na lamang at nagkaroon pa siya ng lakas para bumangon at magpatuloy sa buhay. Pumasok siya sa paaralan na mabigat pa rin ang kanyang pakiramdam, pero no choice naman siya kundi ang pumasok dahil may major exams sila ngayon. Kaya sa session hall pa lang a

