Nandito na naman ako.
Sa daan na sobrang dilim.
Sa daan na sobrang tahimik.
Nakakatakot.
Nakakakilabot.
Gusto kong humingi ng tulong, pero hindi ko kaya.
Hindi ko kayang sumigaw, maski bumulong.
Parang wala akong boses.
Namamanhid ang katawan ko.
Parang hindi ko nakokontrol ito.
Patuloy lang ako sa paglalakad- sa daang parang wala nang katapusan.
Ramdam ko ang pagod, pero hindi ko kayang huminto.
Isa lang ang nasa isip ko- gusto ko na lang tumigil ito.
Sa paglalakad, ay unti-unting may sumisilaw na liwanag mula sa malayo.
Sa wakas, malapit na ako!
Sinubukan kong tumakbo at habulin ang liwanag na ito, pero parang kasabay ko rin itong tumatakbo, ngunit palayo.
Maya-maya pa'y napansin kong lumalaki ang liwanag na ito. Kaya napatigil ako sa pagtakbo.
Sobrang nakakasilaw.
Para akong mabubulag dahil napakasakit sa mata.
Hinarang ko ang aking kamay sa mga mata ko para hindi na masilaw pa.
Hindi ito sapat, dahil parang buong paligid ko ay sobrang nakakasilaw.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at napaluhod.
Hanggang sa tuluyan na akong nilamon nito.
"Dumilat ka na."
Napadilat ako nang marinig ang boses na 'yon at ang pagtapik nito sa balikat ko.
Tumayo ako at dahan-dahang pinagmasdan ang paligid.
Kung kanina ay napakadilim ng paligid na para kang mababaliw, ito naman ay napakaliwanag. Napakasarap sa pakiramdam.
Maganda ito, parang paraiso. Maraming iba't ibang klase ng mga bulaklak at mga halaman. Maaliwalas ang panahon at napakaganda ng asul na alapaap. Masarap din ang simoy ng hangin.
Pagmasid ko lang dito ay ramdam ko na ang kakaibang kasiyahan at kapayapaang hindi ko pa naman nararamdaman sa tanang buhay ko.
Sunod kong sinulyapan ang nagsalita kanina.
Sinuri ko siya. Mukhang pamilyar siya. Nararamdaman ko ang presensya niya, para akong malulunod.
Isang salita lang ang mailalarawan ko sakanya- Makapangyarihan.
"Sa wakas, nagkita na tayong muli." saad niya.
"S-sino ka?" utal kong tanong. Medyo nagdalawang-isip pa kung magtatanong dahil sa takot na baka hindi pa rin ako makapagsalita.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.
"Ikaw, sino ka?" balik niyang tanong na ikinagulat ko.
Bigla akong nakarinig ng malakas na tunog mula sa kung saan.
Dahil dito ay bigla akong nagising.
***
Nagising na 'ko mula sa alarm clock kong napaka-ingay.
Nakakainis!
Agad ko itong pinatay.
Pagka-bangon ko naman ay bigla kong naramdaman ang sakit ng ulo nang panandalian. Medyo masakit din ang katawan ko, ano bang nangyari? Ramdam ko ang matinding pagod na parang nabugbog ang katawan ko.
Hindi naman ako gumala kahapon, ah.
Kahit gan'on ang pakiramdam ay bumangon pa rin ako nang tuluyan at hinayaan na lang ang kaninang bumabagabag sa isip ko. Para na rin makapaghanda para sa trabaho ko.
Yes, I have my own job. Kahit na mayroong sariling business ang pamilya ko. Hindi na muna ako nakisama, hindi naman nila ako mapipilit eh. Yeah, but I guess for now.
Agad akong naghanda ng sarili, I took a bath, skincare routine, naghanap ng outfit ko for today at sinuot 'yon, and do my hair and make up. Simple lang naman ako mag-make up, para lang naman hindi ako magmukhang maputla at pagod.
And yeah, I'm finally ready.
Lumabas na ako sa aking kwarto at dire-diretsong bumaba.
"Hija, halika na rito. Nakahanda na ang almusal mo." saad ni Manang Lourdes. Napatingin lang ako sakanya.
"Nandyan ba sila?" tanong ko.
"Ay, oo. Nandito ang mama at daddy mo. Nandito rin si Eisha, kakababa lang." saad ni Manang. Saglit akong sumilip sa may dining area. Nand'on sila kumakain at may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.
Ano ba 'yan, nawalan ako ng gana.
"Sige, hindi na lang ako kakain. Baka malate pa ako, eh." sagot ko. Kahit ang totoo ay nagugutom na ako. Maybe, sa labas na lang ako kakain ng breakfast.
Nakita ko naman ang reaction ni Manang. Mukhang inaasahan na niyang isasagot ko 'yon.
"Oh s'ya, heto, ipinaghanda kita kung sakaling wala ka nang oras para kumain dito." saad niya saka ibinigay ang inihanda niyang almusal, nakalagay ito sa tupperware, sa loob ng isang maliit na bag.
Tinanggap ko ito. Hindi naman ito ang first time na tinanggihan ko ang pagsabay sa kainan. Kaya naman sanay na sanay na si Manang dito.
"Thanks, Manang." saad ko at ngumiti na lang. Hinatid niya ako hanggang sa kotse ko at nagpaalam na. Si Manang Lourdes ay kasama na namin sa bahay for ilang years na rin. Before pa ako ipinanganak, siya na ang umaalalay kila mama until now.
As you can see, hindi ako close sa pamilya ko. Hindi naman dahil sa rebelde ako or mayroong malaking away sa pagitan ko at nila. It's just that there's like a huge wall between us.
Naaalala ko na naman paano iyon nagsimula, and so gusto ko na lang munang kalimutan ito. Nagpatuloy na ako sa pagdadrive hanggang makarating sa trabaho ko.
Nagtatrabaho ako sa isang publishing house, and I'm a writer. I usually write fashion and travel articles in a magazine. Minsan naman ay nagsusulat ako ng mga online articles pero iba namang topics. Hobby ko na talaga noon pa ang pagsusulat ng mga articles. Pero hindi 'to natutukan masyado dahil sa family ko.
I graduated BS Applied Corporate Management. Dahil ito ang gusto ng magulang ko para sa akin. All my life, sinusunod ko sila. I studied very hard and all until may time na pinaglaban ko naman kung ano 'yung gusto ko.
My parents and I argued about this, but eventually they agreed and think of it as my vacation na parang pampalipas oras lang. Pumayag sila na magtrabaho ako rito when I was 18, bilang part time job dahil syempre nag-aaral pa lang ako n'on. At hanggang ngayon na 22 years old na ako at sa ngayon ay itinuturing ko itong trabaho ko.
Nakapasok ako rito because of my parents' connections. At sa tingin ko naman ay alam na 'yon ng lahat.
Pumasok na ako sa loob ng building at dumiretso sa office.
Sa paglalakad ko, hindi mawawala ang mga titig at bulungan ng mga tao sa paligid ko.
"Uy, ayan na si Ms. Raven"
"She's so gorgeous talaga"
"Ang intimidating niya at nakakatakot, kahit hindi naman siya boss "
"Nako, nandito na naman ang writer na may connections "
Halos lahat naririnig ko. Hindi ko rin alam ba't nila ako pinag-uusapan, like wala naman akong ginawang masama or something.
Sabi ng mga kaibigan ko, iba raw kasi talaga ang aura ko. Presence pa lang, nakakatakot na. Kaya nga ang usual na first impression sa'kin ay- Intimidating. Dahil daw para akong walang sinasanto, walang kinakatakutan. Kumbaga, matapang at straightforward. Not to brag, pero iyon talaga ang naririnig ko at sinasabi ng iba.
Siguro nga, totoo 'yung sinasabi nila. I can stand on my own. I'm fearless in the sight of everyone.
But little did they know, there is one thing I'm scared of.
It is Death.