Chapter 21

2379 Words
Nakauwi na ako sa bahay. Naabutan ko si Rachel na nakaupo sa balcony, mukhang maraming iniisip. Bumuntong-hininga ako. "Rachel" tawag ko sakanya. Tumingin siya sa'kin at mukhang natauhan. "Sorry, iniwan kita r'on. Pero mukhang okay ka naman kasi nakauwi ka pa pabalik dito." saad niya sa'kin. Umupo ako sa tabi niya. "Sobra lang akong nainsulto sa mga sinabi ng asawa niya sa'kin. Ang kapal ng mukha niya, akala mo kung sino." inis niyang saad sabay sipa sa kawalan. "Kaya pala," mahina kong saad. Nanahimik kaming dalawa. "Ay Rachel, hindi mo ba 'yun nanay?" tanong ko sakanya. Agad siyang umiling. "Hindi naman ako maaampon kung may mga magulang naman ako." pilosopo niyang saad. "Asawa niya 'yun. Actually, I was a mistake." utal niyang saad. Napasinghap ako. Bumuntong-hininga siya. "Pero ako ang una niyang naging anak. Wala pa silang anak nung Anna na 'yun n'ong nabuo ako." kwento niya. "Akala siguro ng nanay ko na ipagpapalit niya si Anna para sa'min, kaya lang ayun siya pa rin 'yung pinili." tuloy niyang kwento. Patuloy lang din akong nakikinig sakanya. "Yung nanay ko, iniwan ako kay Mama Fe n'ong 5 years old ako. Ayaw niyang iwanan ako sa tatay ko kahit pa willing naman silang kupkupin ako, n'ong una. Tapos, n'ong magsimula na akong ma-curious sa mga magulang ko, syempre nagtanong ako about sakanila kaya kwinento naman 'yun ni mama. Sinubukan kong bumalik sa tatay ko, pero nakita ko na may anak na sila. Syempre ako bilang bata, nagdamdam. Hindi man lang ako hinanap ng tatay ko, at ipinaglaban. Hindi rin ako binalikan ng tunay kong nanay kaya hanggang ngayon, ewan ko kung buhay pa ba 'yun." mahabang salaysay niya habang pinaglalaruan ang mga kamay niya. Hindi ako makapaniwalang kwinento niya sa'kin ang lahat ng ito. Sabi kasi nina Isagani at Manang Fe sa'kin na sobrang bihira ni Rachel magkwento at mag-express ng mga nararamdaman niya. "Hindi ko alam na gan'on pala ang naranasan mo." tangi kong saad sakanya. Nakatingin lang siya sa kawalan. "Malamang, hindi mo naman ako lubusang kilala eh." pranka niyang sagot. Bumuntong-hininga ako. Naalala ko 'yung nakita ko sa mga mata ni Mang Roel. Siguro kaya niya 'to ginagawa kasi gusto niyang makabawi man lang sa anak niya sa mga nalalabi niyang panahon dito. Kailangan kong makumbinse si Rachel na makipag-ayos sa tatay niya bago man lang dumating ang oras na magpaalam na siya sa mundong 'to. "Rachel, naiintindihan kong galit ka sakanya dahil sa akala mo ay inabanduna ka niya. Pero ngayon, nakikita mo naman na talagang gusto niyang bumawi sa'yo. Sana pagbigyan mo siya." pakiusap ko kay Rachel. Tumingin naman siya sa'kin na nakakunot ang noo. "Naririnig mo ba 'yung sarili mo, Raven? Ikaw na mismong nagsabi sa'kin na pareho tayo ng nararamdaman. Akala mo ba madali sa'kin 'yang pinapakiusap niyo?" saad niya. "Pero, Rachel--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang itaas niya ang kamay niya bilang sign na ayaw niyang marinig ang sasabihin ko. "Tama na, Raven." pigil niya. "Kung ayaw mo tayong dalawa na mag-away, 'wag mo na akong pilitin. 'Wag mo rin akong pakialaman sa buhay ko, para wala rin tayong problema. Okay?" banta niya sa'kin. Tumayo siya at umalis sa harap ko, tuluyan siyang pumasok sa loob ng bahay nang hindi man lang ako nililingon. Bumuntong-hininga ako. Napakatigas ng ulo nitong babae na 'to. Nagstay na lang muna ako rito para makapag-isip. Maya-maya ay may tumabi sa'kin. Si Isagani pala. "Nakita ko si Rachel na padabog na umaakyat sa kwarto niya, ah. Nag-away na naman ba kayo?" tanong niya. "Hindi." tipid kong sagot. "Pumunta kami sa bahay ng tatay niya." kwento ko. Napasinghap naman siya nang malaman ang ginawa namin. "Edi totoo nga? 'Yung nakausap mo n'ong isang gabi, 'yun 'yung tatay ni Rachel?" tanong niya. Tumango ako. "Oo, alam din niya 'yung bahay ng tatay niya kaya kami nakapunta r'on. Malapit lang din pala 'yun dito sa bahay niyo." saad ko. "Nag-usap silang mag-ama, pero hindi nakinig 'tong si Rachel sa suggestion ng tatay niya. Na suportahan siya sa pag-aaral at mga gastusin niya." kwento ko. "Malamang dahil nagdadamdam pa rin siya hanggang ngayon sa nangyari sakanila noon." saad ko kay Isagani. Bumuntong-hininga siya. "Hindi siya pumayag. Gan'yan talaga siya, mukhang hindi na natin mapipilit 'yun. Pwera na lang kung si mama ang magpilit sakanya." saad ni Isagani. "Ayaw niya talaga. Pero hindi ako susuko na kumbinsihin siya." pursigido kong saad. Nakita ko siyang napangiti. "Sige, siguro susubukan ko rin siyang kausapin." saad niya sa'kin. Buti naman, nakahinga ako nang maluwag dahil alam kong katuwang ko siya. *** "Papa..." May narinig na naman akong umiiyak na bata at tinatawag ang ama niya. Dumilat ako. Natagpuan ko ang sarili ko sa gitna ng isang madilim na daan. Lumingon ako, at nakita ko sa 'di kalayuan ang isang sasakyan. "Papa..." Sa tingin ko, nandoon 'yung boses na naririnig ko. Kaya lumapit ako r'on. "Papa..." Nakita ko ang isang batang babae na umiiyak at nakaupo sa lapag. Tiningnan ko ang paligid na malapit sa sasakyan. Mukhang may nangyaring aksidente rito. Patuloy sa pag-iyak ang bata kaya gumawa ako ng paraan para patahanin siya. "Uh, bata? Ayos ka lang ba? Halika rito," saad ko. Lumingon ang bata at nakita ko ang hitsura niya na namamasa ang mga mata dahil sa paghagulgol. Nakakaawa siya. "Halika." aya ko sakanya. Pero nagulat ako nang hindi niya ako pinansin at lumingon na pabalik sa kanina pa niyang tinitingnan. I felt humiliated tuloy. Huminga ako nang malalim. "Papa..." Lumapit ako nang tuluyan sa bata para i-comfort siya. Nang paglapit ko sakanya, ay nakita ko ang nakahandusay na lalaki na unti-unting nagiging abo. Napasinghap ako. "Raven." bulong ng kung sino. Agad akong lumingon. Nakita ko si Elise, ang babae sa panaginip ko. Dito ko namalayan na baka nananaginip o binabangungot ako. Tumingin ako pabalik sa bata. Nakita kong wala na 'yung lalaking nasa lapag. Mag-isa na lang 'yung bata. Tinitigan ko ang insidenteng 'to. Unti-unting nagiging pamilyar ang mga pangyayari. Bumalik ang tingin ko kay Elise. Pagtingin ko sakanya ay nag-iba na ang location namin. Napunta na kami sa lugar na palagi ko ring napapanaginipan kapag nakikita ko si Elise. Kumunot ang noo ko. What was that? Bigla akong naguluhan. "Unti-unti ka nang binabalikan ng alaala ng nakaraan, Raven." saad niya. Mas lalo tuloy akong naguguluhan sa mga sinasabi niya. Anong alaala ng nakaraan? "Ano bang sinasabi mo? Saka, oo nga pala. 'Yung kanina, ano 'yun?" tanong ko sakanya. "Hindi mo ba naalala? Hindi ba't palagi mo 'yung nakikita?" saad niya. Pilit kong inalala kung ano 'yun. Panaginip? Bangungot? "Naalala ko na. Bukod sa'yo, 'yung pangyayaring iyon ay palagi ko ring napapanaginipan. Tinatawag kong masamang panaginip 'yun, dahil sa tuwing nagigising ako, nakakaramdam ako ng matinding takot." kwento ko sakanya. "Siguro kaya takot na takot din ako sa mga taong namamatay." mahina kong saad sa sarili. "Kung gan'on, tuklasin mo ang sagot sa kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin linulubayan ng bangungot mo." saad niya sa'kin. Unti-unti nang nanlabo ang mga paningin ko. Oras na para magising. *** Nagising ako na alalang-alala pa rin ang panaginip ko. Sinabi sa'kin ni Elise na hanapin ko raw ang sagot kung bakit hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa rin 'yun. Hindi naman ako uutusan n'yon kung hindi importante na may kinalaman sa pagkatao ko. Huminga ako nang malalim. Pero paano naman kaya? Nasa labas ako ng bahay at nagmumuni-muni. Gumagawa ako ng paraan kung paano makakausap si Rachel tungkol sa tatay niya. Sa tingin ko kasi, kailangan na nilang magkabati bago pa mawala si Mang Roel. Sabihin ko kaya kay Rachel? Pero hindi naman maniniwala 'yun, saka kung maniniwala man siya, baka mas magalit pa siya sa'kin. Dahil wala akong magagawa para pigilan ang pagkamatay ng tatay niya. Napakahirap naman nito, sa katunayan, pwede ko namang pabayaan na lang sila Rachel eh. Pero hindi ko rin maintindihan kung bakit namomroblema ako sakanila. "Hindi ka pa rin talaga titigil sa pangungumbinse sa'kin eh 'no?" rinig kong saad ni Rachel kaya napatingin ako sakanya. Mukhang kakauwi niya lang galing sa school niya. "Bakit?" tanong ko. "Pinagsabihan ako ni kuya Isagani." sagot niya sa'kin. Ah oo, naalala ko na sinabi niya sa'kin na kakausapin niya si Rachel. Hindi ko naman aakalain na mabilis na niyang kinausap. Huminga ako nang malalim. "Alam mo ayaw kong makipag-away sa'yo eh, kasi sa totoo lang, ikaw lang ang napagkukwentuhan ko ng mga bagay na hindi ko masabi sa iba." saad niya sa'kin at umupo sa tabi ko. "Kaya gusto kong malaman, bakit ba gustong-gusto mo ako makipagkasundo sa tatay ko, ha?" tanong niya. Ano naman isasagot ko? Like 'concerned lang naman ako sakanya'? or dahil alam kong mamamatay na ang tatay niya? Huminga ako nang malalim at nagsalita. "Naniniwala akong hindi mo naman talaga gustong ipagtabuyan ang ama mo. Nagtatampo ka lang, kasi nawala siya sa mga panahong kailangan mo siya. Sinabi niya sa'kin, na gusto niyang ayusin ang mga pagkakamali at pagkukulang niya sa'yo bilang ama mo." kwento ko sakanya. Natahimik naman siya nang marinig ang sinabi ko. "Sana, pagbigyan mo siya Rachel. Dahil hindi natin hawak ang panahon. Hindi natin alam kung hanggang kailan natin sila makakasama at makikita. Kaya hangga't nand'yan pa siya, matutunan mo sana na pakisamahan siya. Dahil baka magsisi ka sa huli." saad ko. Kumunot ang noo niya sa mga ipinapahiwatig ko. "Anong ibig mong sabihin?" mahina niyang saad. Tumingin ako sakanya. Napansin kong bumuntong-hininga siya. "Sa tingin mo, kapag hindi ako nakipag-ayos, magsisisi ako?" pag-uulit niya. Tumango ako. Bumuntong-hininga ulit siya. "Sabi sa'kin ni kuya, nahihirapan na raw sila sa gastusin dito sa bahay. Lalo na't lumalaki 'yung tuition fee ko sa college, tapos mag-aaral na rin si Leo sa college, si Aiko rin ay magsisimula nang mag-aral. D'on ako nag-isip nang mabuti, dahil alam niyo naman ako, ayaw kong maging pabigat." kwento niya sa'kin. Siguro nabobother din siya, knowing na nahihirapan ang mga nakakatandang kapatid niya na magtaguyod sa pamilya nila. "Labag man sa'kin, pero sige. Susubukan kong i-consider 'yung gusto niyang pag-aralin ako. Tutal, ilang taon na lang ay gagraduate na ako." saad niya na ikinalinaw ng mukha ko. "Pero! Hanggang d'on lang." tuloy niya. Medyo bumalik ang pagyuko ko. Pero okay na rin 'yun, I think. Baka dahil d'on, mas maging close sila. Kaya ngumiti pa rin ako sakanya. "Wala nang bawian 'yan, ah. Salamat!" saad ko. Napairap siya sa inasal ko. "Sasamahan mo 'ko, ha?" saad niya sa'kin. Agad akong tumango habang hindi pa rin mapigilan ang tuwa ko. *** "Papa..." Ito na naman. May naririnig na naman akong batang tumatawag sa ama niya. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko na nasa gitna ako ng isang madilim na daan na pinapalibutan ng gubat. Mula sa 'di kalayuan ay mayroong sasakyan. Dala ng curiosity, lumapit ako sa sasakyan na 'yun. "Papa..." Wait, this is familiar! I-ito 'yung palagi kong panaginip! O.M.G. Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Elise sa'kin na hanapin ko raw ang sagot kung bakit palagi akong nandito. Himalang naalala ko 'yun, at nakakapagtakang alam kong panaginip lang 'to. "Papa..." Narinig ko na naman 'yung bata, tiningnan ko siya at gan'on pa rin ang hitsura niya. Nakaupo siya sa lapag at humahagulgol pa rin. "Sorry bata, palagi mo naman akong hindi pinapansin kaya mamaya ka na muna." saad ko sakanya. Tama nga, hindi naman niya ako nililingon pabalik, hindi niya rin ako pinapansin. Pwede kaya ako makalibot dito? Pero saan naman ako pupunta? Hindi ko nga alam kung totoong lugar ba 'to or makakalayo ba kaya ako. Sinubukan kong lumapit sa pinto ng sasakyan. Hinawakan ko iyon. Nagulat ako nang mabuksan ko iyon. Tiningnan ko 'yung bata kung napansin niya ba ako dahil sa ingay ng pagbukas ko ng sasakyan. Pero hindi pa rin eh. Hindi kaya, hindi niya 'ko nakikita? or pwedeng wala lang siyang pakialam sa paligid niya. Nang mabuksan ko 'yung pinto, tumingin ako sa loob ng sasakyan. Napansin ko lang na medyo luma ang model ng sasakyan na 'to. Hindi katulad ng mga sasakyan ngayon. Hmm, ano kaya ibig sabihin n'on? Linibot ko pa ang tingin ko sa sasakyan. Tuluyan na akong pumasok at umupo sa may driver's seat. Tiningnan ko ang mga gamit na nand'on. May nakita akong panyo. Tiningnan ko 'to nang maayos. Nakita kong may dugo ito kaya nagulat ako at napapikit. Pero may naramdaman akong may parang nakaburda sa panyo na 'to. Kaya hinanap ko kung ano 'yun. -R- Anong ibig sabihin letter R? Teka, kanino ba 'to? Napatingin ako sa bata na patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi kaya, sakanya ang panyo na 'to? Or baka sa tatay niya? Nagsimula na akong kabahan, hindi ko alam kung bakit pero bumibilis ang t***k ng puso ko. Itinapon ko na ang panyo sa lapag dahil natakot ako sa dugo. Hindi naman ako takot sa dugo pero nang maisip kong baka may nangyaring hindi maganda rito, ayaw ko nang hawakan 'yun. Tumingin pa ako sa ibang bagay na nandito. May wallet akong nakita. Agad kong binuksan kung anong meron sa loob nito. May pera, totoong pera. P-pero, lumang pera na 'to. Ibig bang sabihin nito, posibleng totoong pangyayari 'to? At pwede ring matagal nang nangyari 'to. Kinuha ko ang mga nasa loob pa ng wallet. Merong mga credit cards at mga resibo. Pero napansin kong may picture na nasa loob. Agad kong kinuha ito at tiningnan. Natigilan ako. Unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko. Hudyat na 'to na malapit na akong magising. Tinitigan ko ang picture. Unti-unting tumulo ang luha ko. Alalahanin mo 'to, Raven. Alalahanin mo 'to. 'Wag mong kakalimutan. Nagiging malabo na ang lahat, at tuluyan na rin akong nahihilo. Hinigpitan ko ang hawak sa picture na 'to. Dahil ayaw kong makalimutan 'to, ayaw ko ring mawala sa'kin. May nakikita akong tatlong tao, isang bata na nasa gitna ng dalawang tao. Masaya sila, ang nasa kaliwa ay lalaki at ang nasa kanan ay babae at ang batang babae ay nasa gitna nila, yakap ng dalawa ang bata. Umiiyak pa rin ako. Hindi ko man mamukhaan pero may kutob ako... Biglang nandilim ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD