Dumating na ang araw ng flight namin pauwi ng Manila. Si Donna ay sumama sa'min habang si Manang ay naiwan sa mansyon. N'ong time na paalis na kami, hindi nila napigilang maging emosyonal dahil syempre, 'yun ang first time na magkakahiwalay silang dalawa. Nang tuluyang maka-alis, dinamayan ko na lang si Donna. Kailangan niya ng magcocomfort sakanya. Buti na lang at magkakatabi kaming tatlo ni Donna at Eisha ng seats sa eroplano. And finally, we arrived in Manila. Napansin kong balisa at shocked pa si Donna. Ito raw ang first time niyang makapunta ng Manila. Gan'on pa man, hindi ako umalis sa tabi niya para naman hindi niya mafeel na nag-iisa siya. "This is our home, your new home Donna." saad ni mom habang papasok kami sa loob ng bahay. Nakita kong nilibot ni Donna ang kanyang tingin

