"Nakatakdang mamatay ang babaeng iyon. Pero napigilan mo." saad ng babae sa panaginip ko.
Anong ibig niyang sabihin?
"Huh? Wala naman akong nakita sa mga mata niya ah." saad ko.
"Natutuwa naman ako at unti-unti mo nang kinikilala ang abilidad mo." komento niya. Huh? ability?
"Ability tawag mo r'on sa mga nakakakita ng kamatayan? It's more like a curse." pranka kong saad.
"And so you also knew you have the ability." saad pa niya. Umirap naman ako.
"Sa susunod na makatagpo ka ng isang vision ng tao about death, huwag mong haharangan." magulo niyang saad.
"At bakit naman? Karapatan din nilang mabuhay 'no." mataray kong sagot.
"At karapatan din nilang magpahinga sa mundong ito." saad naman niya. Kaya tumahimik na lang ako.
"Hindi mo magugustuhan ang parusa at hindi mo rin gugustuhing makalaban ang kamatayan." saad niya.
Dahil sa mga kataga niya ay medyo natakot ako. Hindi ko tuloy alam kung kakayanin ko pa bang makakita ng anything about death. Himinga ako nang malalim.
"Ay oo nga pala, may itatanong ako. Anong pangalan mo? Para naman hindi ko palaging binabansag ko sayo ay 'babaeng nasa panaginip ko'." saad ko.
"You can call me whatever you like." saad niya. Eh? Paano kapag tinawag ko siya sa iba't ibang pangalan?
"Alam ko kung kailan mo ako tatawagin o kakailanganin. Kaya itawag mo ko sa pangalan na kung anong gusto mo." saad niya.
Napaisip naman ako kung anong pangalan.
Elise.
Second name ko na lang para madali kong makabisado.
"Raven, it's time to wake up." saad niya.
Huh? Bakit, nananaginip ba ako?
Nakarinig ako ng malakas na tunog kaya nagising ako nang tuluyan.
"'Yung totoo, pumunta ka lang ba dito para matulog? May villa ka naman pero ba't parang bet mo matulog sa mga ospital." mataray na komento ni Rachel. Nagising ako sa may sofa ng room ni Manang Fe.
"Oh, gising ka na pala Raven." bati ni Aling Flor at nakita ko naman si Manang Fe na gising din at kumakain habang nanonood ng T.V.
"Sorry po, nakatulog ako." paghingi ko ng tawad sakanila.
"Ayos lang, ilang minuto ka lang din naman nakaidlip eh." saad ni Aling Flor. Ilang minuto?
"Raven, buti naman at nagising ka na, hija." bati ni Manang Fe. Lumapit naman ako para yakapin siya.
"Natutuwa po akong maabutan kayong gising." saad ko.
"Saan ka nga pala pumunta Raven kanina? Ang tagal mong bumalik, ah. Lutang ka pa pagbalik mo rito kaya natulog ka kanina." kwento ni Leo.
O.M.G.
Nangyari talaga 'yung kanina? Woah, akala ko panaginip lang ang lahat. Napahilamos ako sa mukha.
"Bakit hija?" tanong ni Manang Fe.
"Wala po." tipid kong sagot.
"Ma, pwede ka na raw bukas nang gabi makalabas ng hospital ah. Sabi rin ng Manager mo na pwede ka raw munang umuwi nang isang linggo sa Las Espadas." saad naman ni Rachel. Mukhang naexcite naman ang lahat dahil sa wakas ay makakuwi na rin ang pamilya nila.
Tumingin naman sa'kin si Manang Fe.
"Ikaw, Raven? Baka gusto mong sumama sa'min? Doon ka muna magbakasyon." aya ni Manang Fe.
"Oo! Maraming pasyalan sa Las Espadas. Mas maganda pa 'yun, kaysa rito, pwe!" sabat naman ni Leo.
"Hay nako, saan naman natin 'yan patitirahin? Baka gumastos pa tayo nang malaki para lang pakainin 'yan." saad ni Rachel. Nainsulto ako.
"Ano ka ba, Rachel?" suway ni Aling Flor. Tumingin naman sa'kin si Aling Flor.
"Oo nga, pwede kang tumuloy sa'min. Kila Fe ka na lang, tamang-tama may bakanteng kwarto iyon. Atsaka 'wag kang mag-alala, malaki ang bahay nila Fe, parang mansion!" kwento ni Aling Flor. Napangiti naman ako.
"Sige po." tipid kong sagot.
"Atsaka 'wag po kayong mag-alala, hindi naman ako maarte sa kahit anong bagay." saad ko bilang tugon sa mga insulto ni Rachel. Hindi ko ba alam kung bakit napakainit ng ulo sa'kin nito. Mabuti na lang at hindi ko ginagatungan ang pagiging mataray niya ngayon.
"Si ate, nakahanap na ng katapat!" tawang asar ni Leo, agad namang binatukan ni Rachel ang kapatid niya. At sila naman ngayon ang nag-asaran.
Nagkwentuhan pa kami nila Manang Fe, hanggang sa napagdesisyunan kong umuwi na.
"Bukas na lang po ulit." paalam ko.
"Pagdating mo rito bukas, dalhin mo na ang mga gamit mo para dideretso na tayo sa tren." paalala ni Aling Flor. Tumango naman ako. Pagkatapos makapagpaalam ay umalis na ako sa hospital.
Nang makauwi sa villa, agad akong nag-impake ng mga gamit. Sa tingin ko ay magcocommute lang kami papunta roon sa Las Espadas kasi sabi ni Aling Flor, sa train daw kami sasakay. Paniguradong mahihirapan akong dalhin ang dalawa kong malalaking maleta. Hay, ngayon ko lang din narealize na ang dami ko palang dala.
Pagkatapos nang lahat ng paghahanda para bukas ay kumain at natulog na ako.
Kinabukasan
Tanghali nang magcheck out ako sa villa resort. Nagtaxi ako, dala ang aking mga gamit, papunta sa hospital.
Pagdating ko r'on, ay bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa mga dala kong gamit. Pinagtitinginan ako ng mga tao, siguro nagtataka sila kung bakit napakarami kong dalang gamit dito sa hospital.
"Grabe naman 'to, Raven. Napakadami mong dalang gamit. Buti na lang talaga nandito ako." saad niya sabay kindat sa'kin. Natawa na lang ako. Ang batang ito talaga, oh.
"Ano 'yan? Mga gamit mo?" tanong ni Rachel nang makapasok kami sa room ni Manang Fe. Tumango naman ako.
Obvious ba?
"Para kang maglalayas, ah. Haha. Kung sabagay, sigurado akong wala pa sa kalahati niyan ang nasa cabinet-- este 'walk-in closet' mo." tuloy niya.
"Kaya ko namang dalhin." ngiti kong asar sakanya. Umirap na lang siya.
Naghahanda na rin sila sa pag-alis, 'yung mga gamit na dala nila ay inimpake na rin nila.
Napagdesisyunan ko namang umalis sa loob ng room at gumala muna rito sa hospital.
Una akong pumunta sa canteen ng hospital, nagtingin-tingin ako ng pwedeng kainin o inumin. Sa huli ay bumili na lang din ako ng iced coffee. Buti na lang may nagbebenta ng gan'on dito.
Sunod naman ay pumunta ako sa open field ng hospital, nagsilbi itong libangan ng mga pasyente sa loob ng hospital. Napansin ko rin na may isang malaking building sa na katapar pa nitong building kung nasaan kami ngayon.
Umupo ako sa bench at pinanood ang ilang mga pasyente na narito sa field.
"Ikaw na naman." rinig kong saad sa may tabi ko. Tiningnan ko ito.
"Havy." bati ko.
Ang bilis niyang makarecover. Kahit na halatang-halata ang scars sa mukha at katawan niya. Parang unti-unti na siyang nagiging malakas.
"Pasyente ka rin ba rito? Hindi ka naman nakahospital gown." tanong niya. Umiling lang ako.
"Nakita rin kita kanina, ang dami mong dalang mga gamit. Ano, magchechek in ka ba rito?" sarkastiko niyang saad. Natawa na lang ako.
"Buti naman at nagiging maayos ka na." komento ko.
"Sino naman nagsabing maayos na ako?" saad niya.
"Kahit papaano, nagiging maayos na ang kalagayan mo." tuloy ko.
"Dahil gusto ko." tugon niya. Tahimik akong ngumiti.
"Havril. Nandito ka lang pala. Sana naman sa susunod ay magpapaalam ka sa'kin kung saan ka pupunta. Nag-aalala ako." saad ng kapatid niya nang makalapit sa'min. Tumayo lang siya at inaya nang umalis ang kapatid.
"Sa susunod nating pagkikita." paalam ni Havy. Ngumiti ako at tumango. Tuluyan nang naglakad paalis si Havy habang ang kapatid niyang doktor ay lumingon sa'kin.
"Maraming salamat." ngiti niyang saad bago tuluyan na ring umalis. Nagulat ako dahil nagpasalamat siya sa'kin. Para saan naman?
Ilang oras lang akong tumambay dito, at nang malapit nang dumilim ay pumasok na ako ulit sa loob ng hospital at pumunta sa room ni Manang Fe.
Naghintay kami na dumating ang doktor ni Manang Fe at para mainom na rin ang huli niyang mga gamot.
Nang matapos mainom, inasikaso namin ang pag-alis ni Manang Fe.
Mga around 8 p.m. ay tuluyan na kaming nakalabas ng hospital, sumakay kami sa taxi para magpahatid sa train station.
Nang makapunta ay bumili na kami ng tickets. Sakto pala na 'yung train sa Las Espadas ang punta kaya hindi na kami naghintay ng ilang oras.
Inilagay na namin ang mga gamit namin sa compartment. Medyo nagiguilty pa ako dahil si ang inuutusan nila Aling Flor na magbuhat ng mga gamit namin. Pero tinulungan ko pa rin naman siya.
Ang pwesto ko ay nasa tabi ng bintana, katabi ko naman si Manang Fe at katabi niya rin naman si Aling Flor. Sa katapat namin ay sina Leo at Rachel. Sa gitna namin ay mayroong table.
Habang nakatingin sa bintana, napansin ko ang unti-unting pagkawala ng mga ilaw sa labas. Kung kanina sa Green Centrum ay sobrang liwanag, ngayon naman ay puro stars na lang ang nakikita ko.
Sa tingin ko ay nasa El Corazon na kami. Naramdaman ko ang malamig na hangin habang bumabyahe. Ngayon lang ako nakaramdam ng kalayaan, excitement, at kaba sa kung anong pwede kong datnan doon sa Las Espadas.
Tiningnan ko ang mga bituin, napakarami at napakaganda.
Ang buwan.
Sobrang liwanag at sobrang ganda.
Ngayon ko lang naaappreciate lahat ng magagandang bagay sa paligid. Feel ko, maiiyak ako sa tuwa.
Maya-maya pa'y naisipan kong umidlip nang mapansing halos lahat sila ay nakatulog na rin.
***
"Hoy, gusto mo bang maiwan?" rinig kong saad ni Rachel, at dahil na rin sa lakas ng tapik niya sa balikat ko.
Tumayo naman ako at napansin na dinala na ni Leo ang mga gamit, at nauuna na rin sina Manang Fe at Aling Flor sa paglalakad. Nidouble check ko pa 'yung pwesto namin kung may naiwan ba. Mukhang wala naman, kaya sumunod na ako kay Rachel na nauuna na ring maglakad palabas ng train.
Nang makalabas ay pumunta na kami sa labas ng train station.
"Sabi ni kuya Rob, dito raw tayo maghintay. Papunta na raw siya. Ay, ayun na pala!" saad ni Rachel habang nakatingin sa gilid kaya napatingin na rin kami.
May tumigil na multicab sa harap namin. May nakita akong dalawang tao sa loob. Lumabas ang mga ito.
"Ma!" bati ng lalaki. Yinakap niya si Manang Fe nang mahigpit. Sunod namang yinakap ni Manang Fe 'yung babae.
"Ay, anak. Si Raven nga pala." turo sa'kin ni Manang Fe. Tumango ako.
"Raven, si Robert anak ko. Heto naman si Kristie, ang asawa niya." pakilala ni Manang Fe.
Ipinakilala niya si Robert, medyo matangkad siya, siguro mga 5'9 ang height nito. Moreno at medyo malaki ang katawan. Maayos ang porma niya. Ang alam ko pa nga ay Civil Engineer ang natapos niya. At isa siya sa pinakasikat na Engineer dito sa San Imperial. Nagbatian kami. Siya pala ang panganay na anak ni Manang Fe. Si Kristie naman, ang asawa niya, mukhang bata ang hitsura. Maliit lang ang katawan at maputi siya.
Dinala na sa loob ang mga gamit at pumasok na kami sa sasakyan. Nasa harap sina Robert at ang asawa niyang si Kristie. Habang kami ay nasa likod.
Sabi ni Aling Flor, babiyahe pa kami nang 30 minutes papunta sa bahay nila. Magkatabi lang ang bahay nila Manang Fe at Aling Flor.
Ikwinento ni Manang Fe sa'kin ang mga ilang moments na nangyari rito sa Las Espadas. Since birth ay dito na sila nakatira. At siya lang ang umalis at tumira sa ibang bansa o lungsod, sa pamilya nila.
Habang papalapit nang papalapit ay mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit.
Hanggang sa biglang tumigil ang sasakyan.
"Yey! Nandito na tayo!" sigaw ni Leo. Sinuway naman ni Rachel ang kapatid niya dahil ang ingay masyado.
Napansin kong may ilang tao ang nakaabang sa harap ng bahay nila.
"Halika na, hija." aya ni Aling Flor. Ngumiti ako at sumunod sakanila. Pagkabukas ng pinto ng sasakyan, may lumapit na lalaki para tulungan si Leo sa pagbubuhat ng mga gamit.
Tuluyan na akong nakababa.
Nagkamustahan ang pamilya, habang ako ay parang poste na nasa likod nina Aling Flor at Manang Fe.
"Ma, sorry hindi na ako nakasunod d'on sa hospital. Kaninang hapon lang 'yung uwi ko galing Maynila eh. Sabi nitong si Chel, pauwi na raw kayo ngayon kaya hindi na 'ko tumuloy." paliwanag nung lalaki. Tumango naman si Manang Fe.
"Hay nako, mama. Dapat kasi dito na lang po kayo sa bahay. Si Isagani, nagtatrabaho naman na eh. At saka, ilang taon na lang, tapos na si Rachel sa kolehiyo." saad naman ni Robert.
"Oo nga po, ma. Meron din po akong mga raket dito, oh." sabat ng isang bata.
"Hoy Ningning, anong raket pinagsasabi mo diyan?" suway ni Rachel. Nagtawanan naman ang lahat.
I felt out of place. Para akong invisible dito, oh.
Pero sa totoo lang, natutuwa ako para kay Manang Fe dahil finally ay nakasama na niya ang pamilya niya.
"Oh, sino 'tong magandang binibini?" saad nung isang lalaki. Kaya't napalingon naman ang lahat sa direksyon ko. Shocks, naconcious ako bigla.
"Si Raven, mga anak." pakilala sa'kin ni Manang Fe. Pinilit kong ngumiti.
"Hi po, ate Raven. Ang ganda niyo po! Ako po pala si Ningning! Mukha lang akong elementary student pero 13 years old na ako at grade 8 na ako!" maligalig na bati ni Ningning. Natawa naman ako.
"Oh siya, pumasok na ang lahat para makapagpahinga na tayo." saad naman ni Aling Flor.
Ang bahay ni Manang Fe ay malaki nga. Hindi ko siya masasabing mansion, pero malaki rin talaga ito. May malaki ring bakuran or should I say, garden?
Naglakad na kami papasok sa loob ng bahay nila. Habang busy pa rin ang iba sa pagkukwentuhan. Ako naman ay hindi mapigilang ma-O.P. pa rin. Hindi naman talaga ako belong, pero mas nararamdaman ko pa rin ito.
Sinabihan ako ni Aling Flor na aayusin daw muna niya ang magiging kwarto ko. Umupo kami sa malaking sala nila. Katabi ko si Ningning na bigla akong nilapitan at tinanong kung paano kami nagkakilala ni Manang Fe. Agad namang sumabat si Rachel and as usual ay puro pambabara ang mga pinagsasabi niya. Kaya inulit ko ang kwento nang maayos.
Napansin kong nasa kabilang sofa sila Robert, Leo, at Isagani? na nakikinig na pala sa kwento ko.
"Haha. Raven, pala-kaibigan talaga ang mama namin. Kaya hindi na ako nagulat na nagdala siya rito ng kaibigan kahit hindi naman niya ka-edad." komento ni Robert.
Maya-maya naman ay nagpahinga na sina Rachel, Leo, at Ningning. Pumunta naman si Robert sa kwarto nila Kristie para magpahinga dahil sabi niya ay may trabaho pa raw siya bukas.
Naiwan ako sa sala mag-isa.
Ay, hindi pala.
Kasama ko ang isa pang anak ni Manang Fe, si Isagani ata ito.
Tahimik lang kaming nakatunganga sa sala. Pinagmamasdan ko ang mga furniture sa loob ng bahay nila. May pagka-vintage ang disenyo ng bahay nila.
"Ako ang nagdesign niyan." rinig kong saad ni Isagani. Napalingon ako sakanya.
Naalala ko naman na graduate pala siya ng Architecture.
Tumango naman ako.
"Maganda." komento ko. Nakita ko naman siyang ngumiti kahit hindi nakatingin sa'kin, siguro sobrang proud na proud sa sarili niya. Ibinalik ko na ang tingin ko sa mga furniture.
"Isagani nga pala." pakilala niya. Kaya lumingon ulit ako sakanya. Nakaabang ang kamay niya para makipagshake hands.
Tinanggap ko iyon.
"Raven." pakilala ko.