00:01:46 Nakatitig ako sa wrist ko at sa nakasulat dito, nag-glow na naman ito. Pero ngayon, hindi na siya nawawala. Para itong tattoo na nakadikit na sa'kin. "Hey, bakit?" tanong sa'kin ni Violet habang nakain. Natauhan ako at saka na ulit kumain. "Nakita ko na naman 'yung numbers sa wrist ko. Pero hindi na 'to nawawala." paliwanag ko. Tumingin naman siya sa wrist ko pero alam kong hindi visible sakanya iyon. "Anong numbers naman ang nakasulat?" tanong ni Violet. Tinype ko ito sa cellphone ko, at ipinakita ko sakanya kung ano ang form niyon. Kumunot ang noo niya at tila naging seryoso sa pag-iisip kung anong ibig sabihin n'on. Bumuntong-hininga siya. "Bakit?" tanong ko. Tumingin siya sa'kin. "Wala naman." tipid niyang sagot. "Every time na ipinapakita mo sa'kin ang nakalagay sa w

