Chael's POV "Chael? Luke?" sabi nila lahat na nanlalaki ang mga mata. Hindi kami gumalaw at nakatingin lang sa kanila. "Let's go inside guys," sabi ni Will. Tahimik kaming pumasok sa loob ng HQ. Tapos umupo kaming lahat sa couch sa sala. Magkatabi kami parehas ni Luke at sila sa harapan namin. Nakatingin lang sila sa amin ng matagal. Hindi namin mabasa kung ano ang iniisip nila. Kami naman ni Luke ay tahimik lang din na tinitignan sila. "Wahhhh namiss ko kayooooo!" sabi agad ni Jason saka yumakap sa aming dalawa ni Luke. Nagulat kaming dalawa ni Luke dahil sa ginawa niya. Hindi ganito ang inaasahan namin na matatanggap sa kanila pag nagkita ulit kaming lahat. Kumalas na sa yakap si Jason at tumingin sa amin ng matagal. "Pumayat kayong dalawa ah. Pati mas pumuti kayo--aray naman!" sabi

